Priscilla

Priscilla, balik-Showbiz

November 4, 2021 Ian F. Fariñas 326 views

BALIK-SHOWBIZ na nga ang dating sexy star na si Priscilla Almeda matapos ang 20 year absence sa limelight.

Pumirma siya ng co-management contract sa Viva Artists Agency (VAA).

Sa isang virtual interview kahapon, nilinaw niya na this time, ipauubaya na niya ang pagpapaseksi sa TV at pelikula sa mga mas batang artista ng Viva gaya nina AJ Raval, Cindy Miranda, atbp.

Katwiran ng GF ni Jomari Yllana, hindi na bagay sa edad niya ang mga nasabing proyekto.

“I don’t think kaya ko pang sumabay, sila na ’yon.

Let’s leave it to them now,” diin niya.

Sa ngayon, type ni Priscilla gumawa ng mga challenging role tulad ng pagiging kontrabida o salbahe at mga proyektong dinidirek ng resident Viva box-office director na si Darryl Yap.

Actually, inalok pala sa kanya ang isang karakter sa Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar, hindi nga lang siya natuloy dahil daw sa pandemic.

Pero isa si Direk Darryl sa mga gusto ring makatrabaho ng comebacking actress at bet din niyang makasama sa isang project si Jomari at si Christopher de Leon.

“I wanna do horror movies, too,” pahayag ni Priscilla na mahilig daw talagang manood ng horror films sa totoong buhay.

Mother role naman daw ang ginagampanan niya sa GMA series na Lolong na pinagbibidahan ni Ruru Madrid.

“It’s different kasi never pa ako nakita in a mother role. My roles before were always inaapi, probinsyanang virgin. Now, I’d be portraying more mature roles,” sabi pa ni Priscilla, na suportadong-suportado ang pagbabalik-showbiz ng boyfriend na si Jomari.

AUTHOR PROFILE