Suspek HULI KA! Hindi na nakapalapag ang suspek sa murder na si Michael Angelo, 32, matapos maaresto ng mga miyembro ng MDP Stn.11 sa pamumuno ni PCpt. Fredwin L. Sernio (inset), commander ng Gandara PCP at hepe ng warrant section. Kuha ni Jon-Jon Reyes.

Binondo no. 1 MWP timbog sa murder

April 12, 2022 Jonjon Reyes 215 views

ARESTADO at hindi nagawang makapiglas sa mga operatiba ng Manila Police District (MPD) Station 11 ang isang 32-anyos na jobless, makaraang arestuhin matapos taguan ang kasong pagpatay sa Tondo, Maynila, batay sa ulat ng pulisya, Lunes ng gabi.

Kinilala ni P/Lt. Col. Magno Gallora Jr., commander ng MPD-Binondo Police Stn.11 ang suspek na si Michael Angelo, nakatira sa number New Antipolo St., Tondo Manila.

Batay sa patuloy na pinaiiral na Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO), sa pinagsanib na operasyon ng Warrant and Intel Section at sa pangunguna ni P/Capt. Fredwin L. Sernio, commander ng Gandara PCP at hepe ng Warrant Section ng nasabing presinto.

Katuwang rin si P/Lt. Robelo C. Rabara at ng mga tauhan ng 4th MFC RMFB na pinamunuan ni P/Maj. Ronilo S. Aquino, dala ang arrest warrant nang dakpin si Angelo pasado alas-8:00 ng gabi, Lunes sa panulukan ng New Antipolo St. at Tomas Mapua St. sa Tondo.

Hindi na nagawang manlaban ang suspek nang i-serve ang kanyang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Julie Mercurio, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Third Judicial Region Branch 12, Malolos City, Bulacan, noong Abril 6, 2022 dahil sa murder.

Si Angelo ay kabilang sa top 1 most wanted person (MWP), station level, at walang piyansang inilaan ang korte sa kanyang pansamantalang paglaya.

Pinuri at pinasalamatan naman ni MPD Director PBrig. Gen. Leo “Paco” Francisco ang mga kapulisan ng Binondo sa kanilang maagap at kasipagan sa paghuli ng mga kriminal na nagtatago sa batas at aniya kahit na Mahal na Araw ay patuloy ang pagtugis ng kanyang mga kapulisan sa mga taong gumagawa ng krimen.

AUTHOR PROFILE