Donations Personal na hinarap ni Bgy. Chairman Ramon Morales ang grupong ‘Tsinoy’ (Filipino-Chinese) na Philippine Fujian General Business Association sa pamumuno ni Cesar Go at Vincent Chan ng Brixton Fire Volunteers sa Bgy. 299 Soler Street, upang tanggapin ang kanilang donasyon para sa mga biktima ng sunog sa nasabing lugar. Kuha ni Jon-Jon Reyes

Mga Tsinoy naghatid ng donasyon sa mga nasunugan sa Binondo

April 12, 2022 Jonjon Reyes 158 views

NAGTUNGO ang grupo ng mga Tsinoy (Filipino-Chinese) na Philipine Fujian General Business Association sa pamumuno ni Cesar Go at Vincent Chan ng Brixton Fire Volunteers sa Bgy. 299 Soler St., Binondo, Maynila.

Tinanggap ni Punong Barangay Ramon Morales ang mga inihatid at bigay na donasyon para sa mga biktima ng sunog sa lugar.

Lubos naman ang pasasalamat ni Morales sa mga tulong ng mga kababayang Tsinoy dahil malaking bagay aniya ito sa may mahigit 30 pamilya na nawalan ng tahanan sa sunog nitong Abril 8, madaling araw ng Biyernes kung saan umabot sa ikatlong alarma at isang lola ang naiulat na nasawi.

Ayon naman kay Chan, layunin ng grupo na tumulong sa mga biktima ng mga trahedya tulad ng sunog at maging ang mga kalamidad at ito ay kanilang personal na pinupuntahan para magbigay tulong.

AUTHOR PROFILE