Default Thumbnail

Binatilyo, 16, timbog sa rape sa Kyusi

February 16, 2023 Jonjon Reyes 317 views

INARESTO ng mga operatiba ng District Investigation Division Special Mayor’s Reaction Team (DID-SMaRT) ang isang 16-anyos na binatilyo na itinuturing na “most wanted” sa district level, makaraan itong masundan sa Lungsod Quezon, Miyerkules ng gabi.

Ang suspek ay pawang estudyante pa lamang at residente ng Bagong Bantay sa Quezon City.

Ayon kay Police Major Edward Samonte, hepe ng DID-SMaRT, pasado alas 9:05 ng gabi (Pebrero 15), nang maispatan ang binatilyo, sa tulong ng isang impormante sa kahabaan ng nasabing lugar sa QC.

Inaresto ang suspek sa bisa ng arrest warrant base s autos ni Samonte at pag-aksyon ni P/Maj. Emmark Dave Apostol sa pagdakip sa binatilyo.

Ang warrant ay inilabas ni Presiding Judge Maria Gilda Loja-Pangilinan ng Regional Trial Court (RTC) Branch 229, QC na may petsang Enero 12, 2023 sa kasong “rape.”

Walang inilaang piyansa ang nasabing korte para sa suspek at dinala sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa disposisyon.

Ayon kay P/Maj. Philipp Ines ng Public Information Office (PIO), nagpaabot ng pagbati si Manila Police District (MPD) Chief Andre P. Dizon sa agarang pagkahuli ng suspek dulot ng “Oplan Galugad” at Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO).

AUTHOR PROFILE