Default Thumbnail

PROJECT AMORsolo, inilunsad sa Manila City Hall

February 16, 2023 Edd Reyes 290 views

PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang pagpapasinaya sa “PROJECT AMORsolo” – isang Lego bricks mosaic na sining pagtatanghal Huwebes ng umaga sa Manila City Hall.

Kasama ni Mayor Honey sa paggupit ng ribbon sa pagbubukas ng sining pagtatanghal si Sylvia Amorsolo Lazo, pangulo at chairman ng Art Foundation Inc., at anak ding babae ng National Artist na si Fernando Amorsolo.

“Bilang bahagi pa rin ng ating pagdiriwang ng National Arts Month, itong kapapanabikan nating maipakitang exhibition ng mga malikhaing gawa ng mga Lego users and enthusiast na nagbibigay buhay sa mga katangi-tanging obra ng ating kauna-unahang national artist na si Fernando Cueto Amorsolo,” pahayag ni Lacuna-Pangan.

Binigyang papuri ng alkalde ang Pinoy Lego User Group (LUG) sa kanilang pagtataguyod ng sining Filipino, kasabay ng paalala na isang taal na taga-Maynila mula sa Azcarraga (C.M. Recto) ang kauna-unahang National Artist for Painting na si Amorsolo.

Sinabi ng nangunguna sa Pinoy LUG at pangulo rin ng Lego Ambassador Network (LAN) Ambassador Leslie Araujo na ang tatlong likhang sining na gawa sa Lego ay naisakaturapan dahil sa naibahaging inspirasyon ng “Bayanihan,” “Early Traders,” at “Dalagang Bukid” na pawang gawa mismo ni Fernando Amorsolo.

Ang PROJECT AMORsolo Lego Mosaic ay naitaguyod sa suporta ni Eric Bautista, CEO ng Ban Kee Trading Inc. isang “LEGO Certified Store” at opisyal na tagapamahagi nito sa Pilipinas at ni Emilio Yap III, pangulo ng Manila Bulletin.

Ang Lego mosaic ay puwedeng bisitahin ng publiko sa Bulwagang Rodriguez simula Huwebes, Pebrero 16 hanggang Pebrero 28, 2023.

AUTHOR PROFILE