Default Thumbnail

Biker dedo sa tractor head

November 17, 2022 Jonjon Reyes 202 views

DEAD ON SPOT ang isang 19-anyos na lalaki matapos mabundol at pumailalim sa tractor head na may hatak na trailer Miyerkules ng gabi sa southbound lane ng Mel Lopez Boulevard sa panulukan ng Gate 6, Port Area, Manila.

Nakilala ang biktimang si Allen Baraguir, 19,residente ng Meneses St., Bagong Lupa , Baseco Compound, Port Area.

Sumuko sa tanggapan ni PLt. Col. Rodel Borbe, hepe ng Manila Police District- Baseco Police Station 13 ang driver na si Marvin Alcubilla, 40, binata, ng Chico Street, Golden Acres, Talon 1, Las Piñas City, bago ito i-tinurn over sa himpilan ng Manila District Traffic Enforcement Unit para sampahan ng kasong vehicular accident with homicide at damage to property.

Base sa ulat na isinumiti ni Police Lt. Tom Fallar, chief investigator, kay Police Major Anthony Olgado, hepe ng MDTEU, bandang 11:45 p.m. nang maganap ang aksidente.

Sa isinagawang imbestigasyon ni Patrolman Arnel Magante aksidenteng nasagi ng kanang gulong ng tractor ang harapan ang bisikleta. Nawalan ng panimbang ang biktima at pumailalim sa tractor head.

AUTHOR PROFILE