Bignight

‘Big Night,’ may tatak-Direk Jun Lana

December 18, 2021 Ian F. Fariñas 378 views

DUMAAN man sa maraming pagsubok dahil sa pandemyang dulot ng Covid-19 sa buong mundo, grateful si Direk Jun Lana na pumasok bilang isa sa official entries ng 2021 Metro Manila Film Festival ang pelikula niyang Big Night na pinagbibidahan ni Christian Bables mula sa Cignal Entertainment, The IdeaFirst Company, OctoberTrain at Quantum Films.

May temang drama at dark comedy ang Big Night na tinatampukan din nina Janice de Belen, Nico Antonio, Eugene Domingo, John Arcilla, atbp.

Tinatalakay sa movie ang isyu tungkol sa kontrobersyal na EJK.

Iikot ang storya sa buhay ni Dharna (Christian) na naging biktima ng isang drug watchlist.

Misyon niiyang gawin ang lahat para matanggal kanyang pangalan. Maraming tao ang makaka-relate sa relevance ng istorya at siguradong magdadagdag ito ng kulay sa MMFF line-up ngayong taon.

Actually, base ang kwento sa isang karanasan ni Direk Jun kung saan may narinig siyang nagkukuwentuhan tungkol sa isang taong biktima ng watchlist.

Aniya sa presscon ng pelikula matapos ang special screening sa Gateway Mall nu’ng Biyernes ng gabi, tinamaan siya ng kwentong narinig dahil tipong manhid na ang publiko sa mga ganu’ng pangyayari.

Kilala si Direk Jun sa mga pelikulang may halong realidad at kwento ng buhay.

Mula sa Kalel, 15 na tungkol sa mga HIV patient sa bansa. Barber’s Tales at Anino sa Likod ng Buwan, naging tatak na niya ang ganitong mga proyekto.

Samantala, napasama rin nga pala ang Big Night bilang selection entry sa prestihiyosong Tallinn Black Nights Film Festival na ginanap noong Nobyembre 12-28 sa Tallin, Estonia sa Europa.

AUTHOR PROFILE