Julia

Julia, Gerald sa bahay ni Marjorie magno-Noche Buena

December 18, 2021 Aster Amoyo 465 views

AT the virtual presscon ni Julia Barretto (24) for Miracle White (for being the first ever brand ambassador ng nasabing brand), inamin ng kasintahan ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson na napakaganda umano ng taong 2021 para sa kanya.

Dalawang bagong pelikula ang tinapos ni Julia under Viva Films na hindi pa naipalalabas na dinirek ng dalawang premyadong director. Ito ay ang horror movie na “Bahay na Pula” ni Brillante Mendoza at ang coming of age film na “Expensive Candy” ni Jason Paul Laxamana.

Second time nilang magsama ng writer-director na si Direk Jason Paul sa “Expensive Candy” kung saan niya katambal si Carlo Aquino. Si Direk Jason Paul ang nagdirek ng last movie ni Julia (under Star Cinema), ang “Between Maybes” nung May 2019 na pinagtambalan nila ni Gerald Anderson at kung saan nabuo ang kanilang pag-iibigan. At first time naman niyang makatrabaho ang Cannes Film Festival Best Director na si Brillante Mendoza sa “Bahay na Pula”.

Bukod sa pelikula at product endorsement, palabas pa rin hanggang ngayon sa TV5 ang “Di Na Muli” TV series kung saan niya co-stars sina Marco Gumabao at Marco Gallo.

Samantala, inamin din ni Julia na natuto siyang mag-value sa perang kinikita magmula nang mamuhay siyang mag-isa. Siya na umano ang nagbabayad ng lahat ng bills sa bahay maging ng ibang mga pangangailangan.

She and Gerald will be spending Noche Buena at her mom’s (Marjorie Barretto) house together with her siblings na sina Claudia, Leon at Dani Barretto with husband Xavi Panlilio and daughter Millie.

JLCAshley na-starstruck kay John Lloyd

INAMIN ng Kapuso actress-comedienne at YouTuber na si Ashley Rivera na sobra umano siyang na-starstruck sa bagong Kapuso actor at matinee idol na si John Lloyd Cruz nang makasama niya ito sa sitcom na “Happy ToGetHer” na malapit nang mapanood sa Kapuso Network.

Bukod sa mabait at marunong makisama sa lahat, may sariling brand of humor daw si John Lloyd.

Ang “Happy ToGether” na pinamamahalaan ng actor-director na si Edgar `Bobot’ Mortiz ay tinatampukan din nina Miles Ocampo, Carmi Martin, Jason Gainza, Eric Nicolas, Janus del Prado, Jenzel Angeles at iba pa. Ang nasabing sitcom ang magsisilbing comeback project ni John Lloyd who took a four-year hiatus from showbiz.

SunshineSunshine1Bahay ni Sunshine sa Cebu sinira ni Odette

ISA ang Cebu sa hinagupit ng nagdaang bagyong Odette at hindi nakaligtas ang three-storey house ng Cebuana YouTuber at Viva sexy star na si Sunshine Guimary.

Sunshine who was launched by Viva into full sexy stardom sa pamamagitan ng “Kaka” na dinirek ni GB Sampedro shared on her Facebook account ang photos ng mga nasirang parte ng kanyang bahay.

Malaki-laking halaga ang gugugulin ni Sunshine para sa repair ng kanyang nasirang bahay.

RitzRitz dalawang beses ikinasal

DALAWANG beses nagpakasal ang aktres na si Ritz Azul at non-showbiz husband nitong si Allan Guy. Una sa Alphaland Baguio Mountain Lodges in Baguio City nung nakaraang November 20, 2021 na sinundan ng kanilang beach wedding nung December 11, 2021 sa Club Paradise in Palawan.

Si Allan ang una at huling boyfriend ni Ritz. The couple started dating in 2018.

Ang kilalang fashion designer na si Mak Tumang ang gumawa ng dalawang wedding gown ni Ritz for her Baguio and Palawan weddings.

KCKC nage-enjoy na sa LA, walang balak umuwi ng Pilipinas

WALANG clue ang 36-year-old eldest daughter ng megastar na si Sharon Cuneta at actor na si Gabby Concepcion na si KC Concepcion kung uuwi ito ng Pilipinas for the Christmas holidays.

The singer-actress and jewelry designer is currently based in Los Angeles, California, USA.

It was in June 2021 nang mag-desisyon si KC na lumipad patungong L.A. at mukhang ini-enjoy niya ang kanyang bagong buhay doon in the company of her newfound friends.

Just recently, KC was in New York City where her younger half-sibling, Frankie Pangilinan is studying. Frankie turned 21 recently at isa sa mga bumati sa kanya ang kanyang Ate KC.

DingdongDingdong abala agad pagbalik ng Pilipinas

KAPUSO Primetime King Dingdong Dantes is back in Manila with wife Marian Rivera na isa sa mga naging hurado ng katatapos pa lamang na 70th Miss Universe sa Eilat, Israel. Although nasa background lamang ang actor, marami itong kuwento sa naging experience niya in Israel lalupa’t siya ang nagsilbing photographer and videographer ng kanyang misis.

Ang unang hinarap ni Dingdong pagbalik ng Pilipinas ay ang kanyang solo virtual press conference kahapon, December 18 para sa kanyang Metro Manila Film Festival movie na “A Hard Day” na tinatampukan nila ng Volpi Cup (Best Actor) winner na si John Arcilla at dinirek ni Lawrence Fajardo. Ang nasabing pelikula ay Philippine adaption ng 2014 hit Korean movie.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE