Mariel

Pagtakbong senador, inagaw si Robin kay Mariel at sa mga anak

December 18, 2021 Vinia Vivar 344 views

Dahil tumatakbo ngang senador si Robin Padilla sa 2022 elections, lagi raw itong wala sa bahay ngayon kaya naman sobrang nami-miss siya ng kanyang pamilya and vice versa.

Sa latest IG post ni Binoe ay ipinahayag niya ang pangungulila sa kanyang dalawa nilang anak na babae ni Mariel Rodriguez na sina Isabella at Gabriella.

“Everyday i miss my girls, the joy and laughter that they bring, the love in their eyes that fills my wild heart, the sweetness of their smile that erases all my physical pain, the magic of their touch and words that spell and define unconditional love.

“Their purest love that does not betray and hurt. The greatest love of all,” ang saad ng post ni Binoe.

The following day ay muling nag-post si Robin at aniya ay tatlong oras lang ang tulog niya.

“3 hours sleep kailangan ng magbiyahe, masuerte na ang makapag stretching, no training, hindi ko nakain ang dinner dahil half cooked red meat. fastfood breakfast. all that i love and fought for, straight to the bin,” ani Binoe.

Nag-post din si Mariel na umuwi raw for a few days si Robin at sobrang na-miss daw ng kanilang mga anak ang ama.

“He was home for a few days and the kids missed him so much. They never left his side. It was so nice to watch,” ani Mariel.

PAMASKONG HANDOG

Isang linggo bago ang Pasko, may handog na regalo ang TV5 para sa mga Kapatid viewers.

Dahil sa umaapaw na pagmamahal at suporta sa kanilang highly rated series, buong pagmamalaking ibinabahagi ng TV5 na ang Niña Niño ay mai-extend pa at marami pang hatid na mga sorpresa.

Magmula nang umere ito noong Abril ngayong taon, nakatanggap ang show ng record-breaking ratings at ginawaran ito ng Asian Academy Creative Awards bilang National Winner for Best Drama Series 2021.

Kinilala din ang outstanding na performance ng Niña Niño lead star na si Maja Salvador sa pagtanggap niya ng National Winner for Best Actress 2021 award mula sa nasabing international award-giving body.

“We would like to congratulate the stars and teams that were recognized by the Asian Academy Creative Awards. We have seen Niña Niño’s great impact on our viewers and we think that this series extension would be a great gift for their supporters. Niña Niño reminds us to never give up despite the challenges we may face and that we can conquer anything as long as we have each other. It’s the perfect message that is in line with TV5’s ‘Atin Ang Paskong Ito, Kapatid’ campaign in this season of hope,” pahayag ni Cignal and TV5 president and CEO Robert Galang.

Bilang pagpapasalamat para sa pagmamahal at suporta ng kanilang fans, ipinagdiriwang ng Niña Niño ngayong Pasko ang kanilang mga tagumpay at ang mga bagong cast na makakasama, na kinabibilangan nina Matet de Leon, Jairus Aquino, Nikki Valdez, Alex Medina, Harvey Bautista, Nikko Natividad at Mon Confiado.

Mas magiging kapana-panabik ang kaganapan sa Brgy. Santa Ynez dahil may magbabalik mula sa nakaraan at may mabubunyag na sikreto sa dalawang magkapatid na sina Niña at Niño.

Mapapanood ang Niña Niño sa TV5 tuwing Lunes, Martes at Huwebes, 7:15 p.m., bago mag-FPJ’s Ang Probinsyano at pagkatapos ng Sing Galing.

AUTHOR PROFILE