Default Thumbnail

Bgy chief hinataw ng taga dahil sa COVID

November 23, 2021 Gil Aman 358 views

SUGATAN ang isang kapitan ng barangay matapos sugurin at hatawin ng taga ng 18- anyos na binata sa loob ng barangay hall noong Linggo sa Nagcarlan, Laguna

Nagtamo ng sugat sa kanang braso ang barangay chairman na si Edgardo Quejada Bondad, 59, ng Bgy. Banca-banca .

Ang suspek ay nakilalang si Domenic Cabela ng Purok 2 ng nasabing barangay.

Ayon sa imbestigasyon ng Nagcarlan Police, sinugod ni Cabela si Quejada sa barangay hall bandang 2:15 p.m.

Inakusahan ng suspek ang biktima sa pagpapakalat umano ng impormasyon umano na COVID-19 ang ikinamatay ng isang niyang kaanak.

Pinagsusuntok umano ni Cabela si Quejada at naawat ito ng ilang barangay officials sa kanilang lugar.

Umalis ang suspek at umuwi ng bahay. Pagbalik nito ay may dala na itong itak at agad na pinagtataga ang kapitan ng barangay.

Mabilis na tumakas ang suspek habang agad na dinala sa pagamutan ng Nagcarlan District Hospital ang barangay opisyal para malapatan ng lunas.

AUTHOR PROFILE