Crime

BGY CAPTAIN ‘CANDIDATE’ INAMBUSH, DEDO!

June 27, 2023 Steve A. Gosuico 279 views

SAN LEONARDO, Nueva Ecija — Isang barangay kagawad na nagdeklara na umano ay tatakbong barangay kapitan sa halalan ngayong taon ang pinatay ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem na mga suspek habang nagmamaneho ng kanyang tricycle nitong Lunes ng hapon dito.

Kinilala ni Police Major Romualdo S. Lopez ang napatay na biktima na si Jerry Lopez, 55, may asawa, barangay kagawad, ng Bgy. Magpapalayok, this town.

Minamaneho ng biktima ang kanyang Honda TMX tricycle nang pagbabarilin mula sa likuran ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na nakasuot ng long-sleeves shirt at sakay ng pulang Honda Click motorcycle sa Bgy. Tambo Adorable sa 5:15 p.m.

Kaugnay nito, isang special investigation task group para masolusyunan ang pamamaslang ay agad na binuo ni provincial director Col. Richard V. Caballero, napag-alaman.

Sinabi ni Officer-on-case SSgt.Jayson D. Madria na papunta umano ang biktima sa isang meeting kasama ang bagong binuong kandidato para sa kanyang barangay team nang siya ay tambangan.

“Nagdeklara po ang biktima na lalaban ng kapitan nitong eleksyon. Actually nakaschedule siya at ang binuo niyang team na magmeeting bago ang pamamaril,” Madria said.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang limang basyo ng bala ng kalibre 45.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng pamamaslang.

AUTHOR PROFILE