Default Thumbnail

Hapon, nakitang nakabigti sa San Pablo

June 26, 2023 Gil Aman 268 views

WALA nang buhay ang isang Japanese national matapos itong matagpuan nakabigti umano sa paluko ng kanilang bahay sa Barangay San Jose Malamig, San Pablo City, Linggo, Hunyo 25.

Ayon kay San Pablo City police chief, OIC (Officer-in-Charge) Police Lieutenant Col. Wilhelmino Soliven Saldivar, patuloy ang kanilang imbestigasyon sa naturang insidente.

Sa inisyal na imbestigayon ng San Pablo City police, dakong alas 6:30 ng umaga, nakita ng Pinay na asawa ng biktima na umiinom ito umano ng gin.

Pinaalalahanan pa ang biktima ng kanyang misis dahil may lakad pa umano ito kinabukasan na sinunod naman ng Hapon hanggang umakyat na ito sa pangalawang palapag ng kanilang tahanan.

Kalaunan, nang gigisingin na sana ng misis ang biktima, tumambad sa kanya ang nakabitin umanong biktima na may nakataling nylon cord sa leeg nito.

Patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng mga imbestigador hinggil sa insidente.

AUTHOR PROFILE