Kylie Larawan mula sa IG/Kylie Versoza

Bet ng mga barako at bebot

February 8, 2024 People's Tonight 156 views

UMEKSENA ang angking kaseksihan ng beauty queen-actress na si Kylie Versoza nang ipagdiwang nito ang kanyang ika-32 kaarawan.

Ibinandera ni Miss International 2016 sa kanyang Instagram page nitong Miyerkules, February 7 ang perpekto niyang kurba.

“Another year around the sun and i’m so grateful,” sey niya sa caption ng kanyang post.

Suot ni Kylie ang isang one-piece shapewear swimsuit na siyang nagpaangat sa hubog ng kanyang katawan.

Hindi lang kalalakihan ang nagpapantasya kay Kylie, dahil maging ang mga kapwa niya bebot ay bet na bet ding ma-achieve ang hugis ng beauty queen-actress.

Talaga namang gaganahan ang kahit na sinong barako kapag natitigan na ang hourglass body ni Kylie.

Angat na angat ang kanyang kariktan at kaseksihan sa nasabing larawan na hindi naman napigilan ng mga netizens na magbigay reaksyon.

Inulan ito ng birthday greetings para sa beauty queen-actress.

AUTHOR PROFILE