Chizheart

Heart at Sen. Chiz magkakaroon ng renewal of vows

February 8, 2024 Aster Amoyo 141 views

HINDI maiwasan ni Heart Evangelista na maging emosyonal nang mapag-usapan ang kanyang buhay ngayon, at pagiging ina niya sa kambal ng anak ng kaniyang mister na si Senator Chiz Escudero.

Nagpapasalamat si Heart sa kanyang stepchildren na sina Chesi at Quino dahil sa pagtitiwala sa kanya.

“I didn’t give them the gift of life but they gave me, you know, the feeling of really what love is and they really accepted me,” sey ng aktres.

Umaasa si Heart na magkakaroon din siya ng anak na galing sa kanya, at handa na raw siyang maging ina.

“It’s so hard when you question yourself of all these things but when I look back at my life, you know, with the people, and the experiences I had, all the hardships of being alone, it makes sense now. And I feel like if there’s any moment that I should be blessed with a baby, it should be now because I feel like I’m ready as a person and I would be able to give more,” diin ng aktres.

Taong 2015 nang ikasal sina Heart at Chiz. Nabuntis ang aktres noong 2018 na kambal din sana pero nakunan siya.

Sa darating na Pebrero 14, ipagdiriwang ni Heart ang kanyang kaarawan, at magkakaroon sila ng renewal of vows ng kanyang asawa.

Jillian Pambansang Fiancee

BINANSAGAN si Jillian Ward bilang ang “Pambansang Fiancée” dahil sa kanyang game na pagsusuot ng mga singsing na inaabot ng ilang fans sa mga motorcade.

Mapapanood ang video ng isang fan na nag-propose kay Jillian at sinuotan siya ng singsing.

Sa isa pang viral video, mapapanood ang isang fan na di bumitaw sa misyong masuotan lang si Jillian ng singsing.

Ang isa namang magbabarkada, nag-group effort pa para suotan din ang “Abot Kamay na Pangarap” star ng singsing.

“May kalawang pa eh,” biro naman ni Jillian.

Kasa-kasama ni Jillian sa TV series sina Carmina Villaroel, Richard Yap, Kazel Kinouchi, Klea Pineda at marami pang Kapuso stars.

Bagong Sparkles inilunsad

NI-LAUNCH na ang bagong Sparkles Kilig Loveteams at kasama rito ang PrYce tandem nila Princess Aliyah at Bryce Eusebio.

Bukod sa kasama ang PrYce loveteam sa inspirational teleserye na Forever Young kunsaan bida si Euwenn Mikaell, mapapanood sila sa TikTok Kilig Series na Beyond The Game on February 16 to 22 sa kanilang official TikTok account.

Dumaan sa chemistry workshop sina Princess at Bryce para mas maging kumportable sila sa isa’t isa bilang loveteam. Ang one thing na in common nila ay ang music. Si Princess ay singer at dancer naman si Bryce.

Ang isa pang pair na ni-launch ay sina Ashley Sarmiento at Marco Masa or AshCo. Napapanood sila sa primetime series na Black Rider at sa TikTok Kilig Series na Secret Notes on February 8 to 14.

AUTHOR PROFILE