Paul Gutierez

Best choice si Dr. Erfe at hiling kay PNP Chief Marbil

April 4, 2024 Paul M. Gutierrez 95 views

BINABATI natin ng isang maligaya, malusog at progresibong kaarawan ang ating chairman ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) at DOJ Secretary Boying Remulla na nagdiwang kanyang birthday noong Marso 31. Kelan ba tayo, Bossman, wala bang “ganap,” hehehe.

Happy birthday din kay Commission on Human Rights (CHR) Chair, Atty. Richard P. Palpal-latoc na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong Martes, April 3. Kaisa natin si Chair Palpal-latoc at buong CHR bilang miyembro ng inter-agency ng PTFoMS, kung saan ang inyong lingkod ang executive director, sa pagtatanggol sa media laban sa lahat ng uri ng karahasan, at sa pagtataguyod ng karapatan at seguridad ng ating mga mamamahayag.

************

Isang magandang hakbang naman ang ginawa ni Pangulong Bongbong Marcos sa pagtatalaga kay Atty. Erwin Erfe bilang bagong deputy chief ng Public Attorney’s Office (PAO).

“Complete package” si Atty. Erfe dahil sa bukod sa pagiging abogado, isa rin siyang doctor kung saan bago ang kanyang promotion, siya ang hepe ng Forensic Laboratory Division (FLD) ng PAO.

Anu pa ang hahanapain natin, abogado na, doktor pa!

Hindi rin matatawaran ang serbisyo at dedikasyon ni Dr. Erfe sa PAO dahil 20 taon na siyang nagsisilbi sa mga kapus-palad nating kababayan, na para sa kanya ay pinakamakabuluhang bahagi ng kanyang buhay.

“My appointment to a full-time government post is not only a turning point in my career in public service, it is also a confirmation that serving the poor and marginalized for the past 20 years had been a most fulfilling vocation,” pahayag ni Erfe.

Ikinagalak naman ng kaibigan natin si PAO Chief, Atty. Persida Aueda-Acosta ang appointment ni Dr.-Atty. Erfe at sinabing malaking tulong sa pagsisilbi sa mahihirap ang promosyon nito.

Ani Atty. Acosta, sadyang karapat-dapat si Doc Erfe sa kanyang bagong posisyon ay ang mahusay na pamamalakad nito sa (PAO-FLD) at adhikain na makatulong sa mahihirap at kapus-palad na kliyente ng PAO, naging epektibong sandata rin ang forensic science sa pagkamit ng hustisya para sa mahiuhirap.

Muli, congrats Atty.-Doc Erfe!

************

Marami naman ang nag-aabang sa magiging perfomace ng bagong talagang PNP Chief na si P/MGen. Rommel Francisco Marbil. May mga ilang tinukoy si PBBM na dapat i-prayoridad ng bagong PNP Chief.

Tayo naman sa PTFoMS ay humihiling at umaasa kay Gen. Marbil na ipagpatuloy at pag-ibayuhin pa sana ang pagtulong sa ating kampanya para sa kapakanan at kaligtasan ng mga kapatid natin sa media. Take note, ang PNP ang isa sa mga kritikal na miyembro ng PTFoMS.

Bukod dito, umaasa din tayo sa ating PNP Chief na magtuloy-tuloy ang paghahanap at paghuli sa mga akusado sa pagpatay sa mga kagawad ng media, gayundin sa iba pang mga kaso ng karahasan laban sa mga kapatid natin sa hanapbuhay.

Umaasa tayo, Gen. Marbil, na magkadaupang-palad tayo minsan upang matalakay kung paano pa natin mas paiigtingin at pag-iibayuhin ang ating magkatuwang na kampanya para sa kapakanan ng mga mamahahayag.

Abangan!

AUTHOR PROFILE