BBM Naging testigo si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa alliance signing ng kanyang partido, Partido Federal ng Pilipinas (PFP), at Lakas-CMD na pinangungunahan ni Speaker Martin Romualdez sa Manila Polo Club sa Makati City.

Lakas-CMD-PFP may senatorial slate na

May 8, 2024 Chona Yu 109 views

Tiniyak ni Speaker Martin Romualdez na may senatorial slate ang Lakas-Christian Muslim Democrat (Lakas-CMD) at Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa eleksyon sa Mayo.

Sa panayam kay Romualdez sa alliance signing ng Lakas-CMD at PFP sa Manila Polo Club sa Makati City, sinabi nito na dapat na pabor sa Charter-Change ang aanib sa grupo.

“Of course, of course. The alliance will be fielding a full slate,” pahayag ni Romualdez.

“That would be one,” nang tanungin si Romualdez kung dapat na pabor sa Cha-cha ang aanib sa alyansa.

Bukod dito, sinabi ni Romualdez na may iba pa naming konsiderasyon sa pagtanggap ng bagong miyembro pero bahala na aniya ang liderato ng alyansa.

Tumanggi naman si Romualdez na tukuyin kung ilan at ano pang Partido pulitika ang aanib sa alyansa.

Pero ang tiyak, majority political party ang sasama sa grupo.

AUTHOR PROFILE