Belle

Belle may concert na, may billboard pa sa NY Times Square

January 22, 2022 Aster Amoyo 187 views

Belle1IT was in November 2019 when it was announced na magtatambal sina Belle Mariano at Donny Pangilinan sa iWant TFC original series, ang “He’s Into Her” na hango sa 2013 Wattpad novel of same title na unang ipinalabas nung May 28, 2021. Ang nasabing series ang nag-propel sa bagong tambalan nina Belle at Donny making them the most exciting loveteam in present generation.

Belle started as a child star sa now-defunct kiddie gag show na “Goin’ Bulilit.” Nang siya’y grumadweyt sa nasabing programa, unti-unti naman siyang nag-progress bilang teen actress.

Ang unang hit digital movie nina Belle at Donny, ang “Love is Color Blind” shown late last month ay streaming pa rin hanggang ngayon. It was also announced na magkakaroon ng Season 2 ang “He’s Into Her.”

Bago nagtapos ang taong 2021 ay lumabas ang debut album ni Belle na pinamagatang “Daylight” na siya ring titulo ng kanyang first ever digital major concert na pamamahalaan ni Alco Guerrero.

Said concert will be streamed on ktx.Ph. on January 29, araw ng Sabado. Magiging special guests ni Belle sa kanyang “Daylight” concert ang Ben & Ben, Kyle Echarri, Jayda Avanzado at ang kanyang ka-loveteam na si Donny Pangilinan.

Since first ever concert ni Belle ang “Daylight,” she’s involved at napaka-hands-on niya sa details.

“I want to give it my all,” pangako niya.

Samantala, isa ang billboard ni Belle ang nakita sa Times Square ng New York City.

Louise magpapaseksi na

HANDA na bang magpa-seksi ang dating Kapuso actress-turned Viva talent na si Louise de los Reyes (29)?

Si Louise ay huling napanood sa Philippine adaptation ng K-movie na “The Housemaid” na launching movie ng 2016 Miss International-turned sexy actress ba si Kylie Verzosa. Sa nasabing pelikula ay siya ang gumanap sa papel na wife ng veteran actor na si Albert Martinez. Kasama rin sa nasabing pelikula sina Jaclyn Jose at Alma Moreno. Ang nasabing pelikula ay ipinalabas sa Vivamax streaming app nung isang taon.

Ibang Louise ang mapapanood sa upcoming movie ng Viva Films, ang “The Wife” kung saan niya kabituin sina Diego Loyzaga at Cara Gonzales mula sa panulat at direksyon ng award-winning indie director na si Denise O’Hara, pamangkin ng yumaong premyadong actor at director na si Mario O’Hara.

May patikim si Louise ng kanyang pagpapa-seksi sa pelikulang “The Wife” na nakatakdang mapanood sa Vivamax (with over 2 million subscribers sa loob lamang ng isang taon) ngayong February 11, 2022.

Mag-asawa ang papel nila ni Diego sa “The Wife” habang ang role naman ni Cara bilang third party ay kababata at best friend.

Thankful sina Louise, Diego at Cara kay Direk Denise na napaka-motherly umano ang approach ng pagdidirek kaya nawala umano ang kanilang kaba sa pag-atake nila sa kanilang respective roles.

Bukod kay Direk Denise, nagpasalamat din si Cara sa kanyang co-stars in the movie na sina Louise at Diego dahil sa pagiging supportive sa katulad niyang bagito sa larangan ng pag-arte.

“I learned so much from them,” pag-amin pa ni Cara na huling napanood sa sexy movie na “Palitan” na pinamahalaan naman ng isa pang premyadong director na si Brillante Mendoza.

Cara was introduced sa hit movie na “Pornstar 2: Ikalawang Putok” mula sa panulat at direksiyon ni Darryl Yap.

Kahit sanay na si Cara sa hubaran, medyo mild lamang umano ang kanyang pagpapa-seksi sa “The Wife”.

CesarCesar aktibo muli sa paggawa ng pelikula

TIYAK na matutuwa ang mga supporters ng veteran actor-director at producer na si Cesar Montano dahil pagkalipas ng halos limang taon ay may ginagawa ito ngayon na bagong pelikula, ang “The Blood Brothers” na sinulat ni Ronald Adamat. He stars, directs and co-produces the movie with a friend. Bukod kay Buboy (Cesar), ang iba pang bumubuo ng cast include Victor Neri, Alan Paule, Epy Quizon, Archie Adamos, Nicole de los Reyes, Pat Arabaca, Jerry Lopes, Alireza Libre, Alvin Maghanoy, Ronald Adamat at Sue Prado.

Isa si Cesar sa mahuhusay na actor of his generation.

Isa sa critically-acclaimed films na pinagbidahan, dinirek at prinudyos ni Cesar under his own CM Films ay ang “Panaghoy sa Suba” na naging kalahok sa 2004 Metro Manila Film Festival.

Senyales na kaya ang “The Blood Brothers” movie sa pagiging aktibong muli ni Cesar sa kanyang acting career?

Direk Denise nagpapasalamat sa Viva

NAGPAPASALAMAT ang lady writer-director na si Denise O’Hara na binigyan umano siya ng creative freedom ng Viva Films sa kanyang kauna-unahang mainstream movie na “The Wife” na pinagbibidahan nina Louise de los Reyes, Diego Loyzaga at Cara Gonzales.

Umaasa rin ang Gawad Urian Best Director for “Mamang” na sana’y magtuluy-tuloy ang paggawa niya ng pelikula sa bakuran ng Viva dominated by male directors.

Happy umano ang Viva big bosses sa kinalabasan ng “The Wife” at thankful din siya sa pagiging cooperative ng bumubuo ng cast na pinangunahan mismo nina Louise, Diego at Cara.

DiegoDiego1Diego nagi-enjoy sa Amerika kahit di kasama si Barbie

HANGGANG ngayon ay nasa Amerika pa rin ang Viva young actor na si Diego Loyzaga since late last month pero hindi umano niya kasama ang kanyang girlfriend na si Barbie Imperial dahil wala pa umano itong US visa.

Hindi ikinakaila ng binata nina Cesar Montano at actress na si Teresa Loyzaga na sobra umano niyang ini-enjoy ang kanyang first US trip ever because he got connected with his friends sa Amerika.

Sinabi rin ni Diego na balang araw ay puwede umano siyang mag-settle sa America pero nasa Pilipinas umano ang kanyang trabaho.

Since first time ni Diego sa Amerika ay sinasagad umano niya ang kanyang bakasyon kaya next month na ang kanyang balik ng Pilipinas to start his series of new projects with Viva.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE