Wife

Barbie, walang US visa — Diego

January 22, 2022 Vinia Vivar 212 views

BarbieKasalukuyan pa ring nasa Amerika si Diego Loyzaga na matatandaang umalis ng bansa before New Year.

Hindi niya kasama ang girlfriend na si Barbie Imperial kaya naman takang-taka ang kanilang mga fan at nagsimula na silang magtanong kung break na ba ang magdyowa.

Sa digital mediacon ng bago niyang pelikula sa Vivamax na The Wife, sinagot ng aktor kung bakit hindi niya kasama si Barbie sa US.

Paliwanag ng aktor ay biglaan ang alis niya at hindi raw pwedeng makasama si Barbie dahil wala itong US visa.

“Well, I came here all of a sudden. Like I came here, it wasn’t planned and I don’t think Barbie has a blue passport. I booked my flight a day before I left,” ani Diego.

Kahit gustuhin daw pumunta ni Barbie ay hindi pwede dahil wala nga itong US visa.

Hindi na natanong pa ang aktor tungkol sa rumored breakup nila ni Barbie.

Samantala, first movie ni Diego for 2022 ang The Wife.

Kasama niya rito sina Louise delos Reyes at Cara Gonzales mula sa direksyon ni Denise O’Hara. Mapapanood ito sa Feb. 11 sa Vivamax.

Excited si Diego sa movie na aniya ay napakaganda ng script at sobrang challenge sa kanya dahil napakaraming heavy drama scenes.

“I’ve never been in a role like this before, tulad ng nangyari sa script. So, it’s definitely a different level of heaviness. Tulad ng sabi ni Louise, it was heavy. Heavy script, heavy drama,” he said.

May love scenes ang aktor sa kanyang dalawang leading ladies at naitawid naman daw nila ang mga eksena professionally.

LOUISE, SUMABAK SA DARING SCENES

Mula sa pagiging wholesome actress ay sumabak na rin sa mga daring scene si Louise delos Reyes.

May mga intimate scene siya with Diego sa The Wife at aminado siyang at first ay nagkaroon siya ng hesitation na gawin ito.

“Pero in-assure naman ako ni Boss Vic (del Rosario) and ni Direk Denise na ‘yung eksena, maganda ‘yung kalalabasan. Ang nagtiwala ako sa direktor ko, nagtiwala ako sa script, nagtiwala ako sa eksena kasi kailangan talaga siya,” sey ni Louise.

Asked kung magtutuluy-tuloy na ba ang pagsi-shift niya ng image, hindi pa masabi ni Louise at aniya, depende pa rin talaga sa materyal.

“Medyo hesitant pa rin talaga ako sa mga ganu’ng eksena. And kapag hesitant ka kasi, ayoko ng ganu’ng feeling na hindi mo maibibigay ng 100 percent ‘yung sa trabaho mo kasi meron kang doubt, meron kang hesitation,” she said.

Pinaka-importante pa rin daw ang istorya at du’n daw siya nagbabase.

AUTHOR PROFILE