Default Thumbnail

Bebot tiklo sa ‘estafa’ sa Sta. Ana

June 29, 2022 Jonjon Reyes 275 views

HIMAS rehas sa selda ng Manila Police District (MPD) ang isang 31-anyos na dalaga, makaraang maaresto sa inilatag na entrapment operation sa Sta. Ana, Maynila Lunes ng umaga.

Kinilala ni P/Lt. Col. Orlando Mirando Jr., commander ng MPD Station 6 ang sa alyas na “Mary Jane”, tubong Bgy. Itok, Capalonga, Camarines Norte at residente ng Pedro Gil St., sa panulukan ng Juisitas St., sa Sta. Ana, Maynila.

Nag-ugat sa isang reklamo ng isang biktima ang makaraang magtungo sa Manila District Anti-Cybercrime Team sa pamununo ni P/Maj. Reynaldo Salim.

Ikinasa ang entrapment operation bandang 10:22 ng umaga nang magkasundo na kukunin ng suspek ang package na naglalaman ng isang 18 karat gold Japan-style bracelet, dalawang gold earrings, isang gold “tic-tac”, at isang gold rope chain necklace sa isang sangay ng LBC.

Nang dumating ang dalaga, dito na ito inaresto ng mga tauhan ng MPD Station 6 sa pakikipagtulungan ng Manila District Anti-Cybercrime.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Article 315 (Swindling/Estafa) ng Revised Penal Code na may relasyon sa Section 6 ng Republic Act 10175 o mas kilala sa kasong Cybercrime Prevention Act of 2022.

AUTHOR PROFILE