Posas

Bebot tiklo sa 2 kambing na ninenok

February 25, 2024 Steve A. Gosuico 67 views

SAN JOSE CITY–Arestado ang babaeng suspek sa pangnenenok ng dalawang kambing habang nakatakas ang kasabwat na lalaki noong Sabado sa syudad na ito.

Nagkakahalaga ng P13,000 ang kambing na umano’y tinangay ng 32-anyos na suspek dakong alas-3:50 ng hapon.

Sinabi ni Lt. Col. Ariel V. Enriquez, hepe ng pulisya, na nangyari sa compound ni Sherly Mendoza, 40, ng Zone 4, Brgy. Tayabo ang nakawan ng kambing.

Kinilala ni Enriquez ang dalawang suspek na isang 32-anyos na babae at kasabwat na 39-anyos na lalaki, kapwa ng Zone 3, Brgy. Calaocan, sa lungsod na ito.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na sinugod ng kanyang kaanak na si Emerson Mendoza, 34, ang dalawang suspek na sumakay sa Kawasaki Bajaj tricycle matapos magnakaw ng dalawang buhay na kambing sa kanilang compound.

Agad namang humingi ng tulong si Mendoza sa kalapit na police community precinct sa Brgy. Kita-Kita, na nagresulta sa pagkakaaresto sa babae at pagrekober sa dalawang kambing at isang bladed samurai mula sa tricycle ng suspek.

AUTHOR PROFILE