Default Thumbnail

8 timbog sa tupada sa Tanauan

February 25, 2024 Jojo C. Magsombol 51 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Walong indibidwal kamakailan ang nasakote ng mga pulis sa aktong tumataya sa tupada sa Brgy. Bagumbayan, Tanauan City, Batangas.

Na-corner sina alyas Yeoj, 21; alyas Arkhae, 28; alyas Iresh, 26; alyas Eusebio 57; alyas Rolando, 46; alyas Zosimo, 73; alyas Alejandro, 47, at alyas Joanna ng biglang dumating ang mga pulis sa kainitan ng tupadahan.

Sumugod ang Anti-Illegal Gambling Operation ng Tanauan Component City Police Station sa pangunguna ni P/Maj. Aldrin V. Atienza, PSSg Wilmar T. Dula at PCPL John Mark Oroncillo at tinimbog ang walong bettors.

Dalawang sasabungin, dalawang tari at P13,700 na taya ang narekober mula sa mga suspek.

AUTHOR PROFILE