Batangas

18 councils ng BSP Southern Tagalog nag-meeting

February 25, 2024 Jojo C. Magsombol 95 views

BATANGAS City–Nagtipun-tipon noong Biyernes ang 18 councils ng Boy Scouts of the Philippines-Southern Tagalog Region (BSP-STR) para sa Regional Scout Committee (RESCOM) meeting na idinaos sa lungsod na ito para magbalangkas ng mga plano at programa kung paano mapapalakas ang scouting movement.

Tinalakay sa gathering ang nakaline-up na Regional Events 2024, National Events 2024, Election of New Regional Scout Committee, Regional Performance 2023 at Distribution of the Commissioner Certificates to the Commissioner Staff.

Ayon kay Council Scout Executive Serge Atienza, bahagi ng 50th charter anniversary celebration ng BSP Batangas City Council ang pulong.

Sa mensahe ni Mayor Beverly Dimacuha, council chairperson ng BSP Batangas City Council, tuloy-tuloy ang suporta nito sa lahat ng proyekto ng samahan.

Matibay ang kaniyang pananalig na sa pamamagitan ng scouting, masisigurong maisasabuhay ang kagandahang asal at disiplina para sa mga kabataan.

AUTHOR PROFILE