Estomo

Bebot minolestiya ng 3 Chinese nat’ls ng 7 araw!

December 20, 2022 Edd Reyes 162 views

TATLONG Chinese nationals and dinakip ng pulisya matapos ireklamo ng pagmomolestiya at umano’y puwersahang pagpigil sa isang Pinay sa loob ng kanilang tinutuluyang apartment Lunes ng gabi sa Las Pinas City.

Nadakip ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) District Special Operations Unit (DSOU) sa Hongtai Apartment sa Alabang Zapote Road, Almanza Uno, ang mga suspek na ngayon ay kasalukuyang nakapiit sa Detention Facility ng DSOU.

Sa kanyang ulat kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/MGen. Jonnel Estomo, sinabi ni SPD Director P/BGen. Kirby John Kraft na pitong araw na dumanas ng pagmomolestiya sa kamay ng mga suspek ang biktimang itinago lang sa alyas “Gina”, nasa hustong gulang, matapos puwersahang pigilin sa loob ng isang silid na inookupa ng mga suspek.

Dakong alas-6 p.m. nang magawang makatakas ni Gina at kaagad na nagtungo sa tanggapan ng DSOU upang isiwalat ang ginawang pagpigil at pagmomolestiya sa kanya ng mga dayuhan kaya’t ikinasa ng pulisya ang operasyon na nagresulta sa matagumpay na pagdakip sa mga suspek.

Binati at pinuri naman ni MGen. Estomo ang mga tauhan ng SPD-DSOU sa mabilis na pag-aksiyon sa reklamo ng kababayang Pinay na patunay lamang aniyang hindi natutulog ang kapulisan at handang gumanap sa tungkulin anumang oras batay sa programang S.A.F.E. NCRPO

Kasalukuyang nakapiit sa detention facility ng SPD-DSOU ang mga dayuhan habang inihahanda na ng pulisya ang isasampang mga kasong serious illegal detention at acts of lasciviousness laban sa kanila sa Las Pinas City Prosecutor’s Office.

AUTHOR PROFILE