JLC

Bea, tinanggihan ni Lloydie

February 23, 2024 Vinia Vivar 109 views

Hindi na umano matutuloy ang reunion movie nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo dahil tinanggihan ito ng aktor.

Ito ang tsika ni Cristy Fermin sa kanyang online show.

“Mabubulabog na naman ang ating mga kababayan dahil sa kwentong ito dahil tumanggi po si John Lloyd Cruz na gawin ang reunion movie nila ni Bea Alonzo. Eh, ‘di ba, ang tagal nang nasusulat at napababalita na gagawa ulit sila ng pelikula bilang pagkakaisa ulit ng mga nakaraang nilang mga tagumpay na pelikula,” kwento ni ‘Nay Cristy.

Kung bakit tumanggi si Lloydie, ‘yan ang hindi pa alam.

Matatandaan na matagal na ngang napapabalita na muling magsasama sina Lloydie at Bea sa big screen. Kinumpirma na ito dati ng aktres pero sa latest interview niya sa isang event, sinabi niya na hindi pa nila ito natututukan, pero hopefully one day ay matuloy din ito.

AUTHOR PROFILE