Janella

Janella, ninerbiyos makipagharap kay Direk Lauren

February 23, 2024 Vinia Vivar 106 views

Ikinuwento ni Janella Salvador kung paano naplantsa ang tampo niya sa Star Magic last year.

Matatandaan na nagtampo ang aktres sa kanyang management nang hindi siya mapasama sa front cover ng Star Magic Catalogue noong July, 2023.

Naging kontrobersyal ang parinig noon ni Janella sa Twitter (X) at maging ang fans ay nakisimpatiya sa kanya.

Sa contract renewal niya sa ABS-CBN kahapon, nabanggit ni Janella kung paano naayos ang kanyang tampo.

“I just have to mention it, there have been a few tampuhans here and there, I’m sure you guys are aware of that, but Direk Lauren (Dyogi, Star Magic head) and I actually sat down and talked about it in Milan,” anang aktres.

Inamin niyang ninerbyos siya na mag-open up kay Direk Lauren “kasi, people sometimes just hit you with the ‘you just be grateful’ card, blah-blah-blah.”

Pero alam niya na kailangan talaga ng communication within a family at sinabihan siya ni Direk Lauren na anytime ay puwede siyang kausapin kung may nais siyang sabihin.

“He told me that I can talk to him anytime and that he wants me to know that I have a father in him so I can really speak to him anytime. And at this point, I was crying ‘coz I realized that I actually don’t know how to navigate that kind of relationship. And that’s something that I will improve on,” she said.

AUTHOR PROFILE