Mariel

Mariel, pinutakti ng batikos sa gluta drip post

February 23, 2024 Vinia Vivar 81 views

Matapos makatanggap ng katakut-takot na batikos, binura na Mariel Rodriguez ang post niya sa Instagram kung saan ay ibinida niya na nagpa-gluta-drip siya sa Senate office ng mister niyang si Sen. Robin Padilla.

Nag-upload ng dalawang larawan niya si Mariel habang nasa Senado at makikita pa sa isang photo na nasa background niya ang mister.

“Drip anywhere is our motto! Hehehe i had an appointment… but i was going to be late so i had it done in my husband’s office hehe, I never miss a drip because it really helps in soooo many ways. Collagen production, whitening, energy, metabolism, immunity and so much more!!! So convenient and really effective magaling talaga!!!!” caption ni Mariel.

Kaagad nag-viral ang nasabing post at umani ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens. Karamihan dito ay bina-bash si Mariel at kinukuwestiyon kung bakit sa Senate office siya nagpa-gluta drip session.

“No decency in the senate. Is this the type of imagery you want to convey to the Filipino public?” komento ng isang netizen.

“@senatePH what can you say about this ? No respect for the institution?” saad naman ng isa pa.

“Yan pala yung post. Naknang tokwa. Nagpa gluta drip sa opisina si Sen. Robin?! Ginawang clinic ang senado,” reaksyon naman ng isa pa.

“While inflation is getting higher, traffic gets worst every year, unemployment reaches peak.. this!” tweet naman ng isa pang X user.

“For me lang naman, parang hindi iginalang ang senado sa mga ganyan gawain,” komento pa ng isa.

Sa ngayon ay deleted na ang naturang post ni Mariel.

AUTHOR PROFILE