Bea

Bea, pumirma sa Beautederm … maka-Basha na si Rhea, hina-hunting si Popoy

March 26, 2022 Ian F. Fariñas 204 views

AYAN, sa wakas ay nakasama ko na si Basha. Kasi nakikita ko lang siya sa mga pictorial and siyempre ’pag nagcha-chat kami.” ’Yan ang bungad ng Beautederm CEO/president na si Rhea Anicoche-Tan sa welcome speech niya kahapon sa pagpirma ni Bea Alonzo bilang brand ambassador ng health booster line na Reiko Slimaxine at Reiko Fitox.

“Basha” ang pangalan ng character ni Bea sa One More Chance movie kung saan nakatambal niya si John Lloyd Cruz, na gumanap naman sa papel na Popoy.

Fan pala ng Bea-Lloydie loveteam si Rhea kaya naman hirit pa niya, “Maka-Basha-Popoy ako. Hinahanap ko na nga si Popoy para makumpleto.”

Special para kay Bea ang Beautederm launch/contract signing dahil ito raw ang kauna-unahan niyang face-to-face media conference mula nang magpandemya.

Ang Beautederm din, ayon sa Kapuso actress, ang unang product o brand na nagtiwala sa kanya bilang endorser sa gitna ng uncertainties ng Covid.

Swak na swak nga raw kay Bea ang Reiko Fitox at Reiko Slimaxine dahil matagal na siyang mahilig magpa-detox. Dumadayo pa raw siya sa isang sikat na wellness farm para mapanatiling malusog ang pangangatawan.

Pero ngayon, dahil sa Reiko Fitox at Reiko Slimaxine, maaari na niyang gawin ang mga ito kahit nasa bahay lamang siya.

Aniya, isa sa mga natutunan niya ngayong pandemya ang pagre-reset ng katawan para maging mas healthy at fit.

Naikwento rin ni Bea ang pagkakaroon ng Omicron early this year.

Pagbabalik-tanaw niya, “I think nasabi ko na rin sa IG (Instagram) na nagka-Covid ako nu’ng January.

“All throughout the pandemic, before January, hindi naman ako nagkaroon ng Covid. I was one of the lucky ones na talagang kahit na nakakalabas dahil sa trabaho, nu’ng time na ’yon nag-a-outreach kami, ’di ako tinamaan ng Covid.

“Matatawa ka nga kasi nu’ng January, kung kailan ’di ako lumalabas at galing ako sa farm namin, du’n pa ako nagkaroon ng Covid. I dont know how, I am already careful but I still got it.

“But after I got it, alam mo, mahirap ha. Sabi nila, mild ang Omicron pero du’n sa experience ko, parang hindi naman. Lahat ng symptoms nakuha ko like difficulty sa breathing, masakit ’yung katawan and all of that. Although natapos ako siguro mga 4-5 days lang but then I realized even more na kailangan talagang alagaan ’yung health. ’Yung immune system kelangan laging binu-boost, kailangan kumain nang tama, mag-exercise nang tama at matulog nang tama.”

Rekomendado nga ni Bea ang Reiko Fitox at Slimaxine dahil ito raw ang partner niya, lalo na nang mag-binge siya sa masasarap na mga pagkain nang magbiyahe kamakailan sa Madrid.

Ang Reiko Slimaxine at Reiko Fitox ay Japan-made, 100% safe, epektibo, FDA-compliant at all-natural na supplements.

Ang Slimaxine ay isang diet enhancer habang ang Fitox naman ay digestion enhancer na parehong nakapagbibigay ng daily optimum digestive wellness na tumutulong palakasin ang overall well-being ng bawat indibidwal lalo na ngayong mahirap ang buhay at ang magandang pamumuhay ay binibigyang kahulugan ng holistically sound physical, emotional at mental conditions.

Ang kumbinasyon ng dalawang supplements ay nakakatulong ma-regulate ang pagpasok ng unhealthy food at tinutulungan din ang sikmura sa absorption ng nutrients na distributed evenly sa katawan.

Ang malusog na sikmura ay mayroong good bacteria at immune cells na nakakatulong sa pag-iwas sa mga infectious agent gaya ng viruses at fungi.

Binabalanse ni Bea ang personal na buhay at trabaho. Isa siyang self-confessed foodie.

Kaya aniya, “Perfect digestive supplements ang Reiko Slimaxine at Reiko Fitox ng Beautéderm because aside from being all-natural they help me in eating right at the right time while aiding my stomach to break down the food while strengthening my gut. Para sa isang very health conscious na katulad ko, perfect combination ito sa pag-maintain ng healthy lifestyle. Kailangan kong maging malusog dahil para sa akin, true beauté is really loving and taking care of myself first, and then I could extend that love and care to others.”

Si Miss Rhea naman, naniniwala na si Bea nga ang best ambassador para sa dalawang produkto.

“Inspirasyon si Bea dahil she always see to it that she takes care of herself kahit na very hectic ang schedule niya. Focused at humble si Bea at alam niya ang kanyang mga prayoridad. Masaya ako dahil sinisiguro ni Bea na nananatili siyang malusog dahil for the past two years, natutunan natin ang value ng good health. I proudly welcome her as the official brand ambassador ng Reiko Slimaxine at Reiko Fitox ng Beautéderm,” sey ni Miss Rhea.

AUTHOR PROFILE