Keith

Singer natagpuang patay sa condo

March 26, 2022 Aster Amoyo 403 views

SUMAKABILANG-buhay na ang American singer-songwriter, hitmaker at record producer na si Keith Eric Martin (55). Siya ang nagpasikat ng classic hit song na “Because of You.” Natagpuang wala nang buhay si Keith sa kanyang tinutuluyang condominium unit in Quezon City nung nakaraang Biyernes, March 25 matapos mag-reklamo ang mga kapitbahay niya ng foul smell . It was found out na may ilang araw na umano itong patay. Ang suspetsa ng iba ay maaari itong inatake sa puso pero walang nakaalam dahil mag-isa lamang itong naninirahan sa kanyang condo unit.

Ang sexy singer-actress at Viva Hot Babes member na si Sheree Bautista ay isa sa mga close na kaibigan ng namayapang American singer-songwriter. Ayon sa singer-actress ay hindi na umano nag-reply si Keith sa kanyang huling text.

As of this writing ay ini-imbestigahan pa ang tunay na sanhi ng pagkamatay nito.

Si Keith ay kaibigan ng maraming Filipino singers and performers at nag-desisyon na sa Pilipinas na mamirmihan lalupa’t may dati itong ka-relasyon na isang Filipina pero nagkahiwalay na umano sila nung last part ng 2021 kaya broken hearted umano ang American singer-songwriter.

Walang kamag-anak sa Pilipinas si Keith kaya malamang na mga kaibigan niya sa local music industry ang magtulung-tulong for his cremation and wake arrangements.

Bukod sa kanyang monster hit song na “Because of You,” the R&B singer-songwriter and record producer recorded other songs tulad ng “Lady, You Are My Life,” “I Don’t Wanna Think About It,” “Never Find Sometone Like You,” “Return to Me,” “Love of My Life”. He had released several albums as well tulad ng “Let Me Take Control,” “I’m Not Alone,” “It’s Long Overdue”.

Agad nagpaapot ng kanilang pakikiramay sa pagpanaw ni Keith ang maraming Filipino singers-performers at kasama na rito ang R&B Princess na si Kyla who remade the song “Because of You” in 2004 maging sina Sheree Bautista at Kris Lawrence.

Isinilang si Keith sa Washington, D.C., USA nung September 9, 1966 pero nag-desisyon siyang sa Pilipinas mamirmihan may ilang taon na rin ang nakakaraan.

Bea1Bea2Rhea natupad ang pangarap kay Bea

ANG 34-year-old Kapuso star na si Bea Alonzo ang pinakabagong karagdagan sa pamilya ng brand ambassadors ng Beautederm na pinamumunuan ng young entrepreneur, ang president-CEO at founder na si Rei Anicoche-Tan.

Si Bea ang pang-76 celebrity member ng growing family ng Beautederm na sinimulan ng seasoned actress na si Sylvia Sanchez may ilang taon na ang nakakaraaan.

During the formal launch and contract signing of Bea together with Beautederm’s lady boss na ginanap sa ballroom ng Luxent Hotel in Quezon City, inamin ni Rhea na matagal na umano niyang pangarap na makuhang brand ambassador si Bea but she waited for years and the right time na ito’y maisakatuparan.

“I have always been a big fan of Basha (the popular character portrayed by Bea in one of her hit movies with John Lloyd Cruz, ang “One More Chance” in 2007),” pag-amin ng amiable lady boss ng Beautederm.

It was in 2009 nang itatag ni Rhea ang Beautederm Corporation na isa ngayon sa leading companies in the Philippines specializing on beauty, skin and slimming products with over 200 physical stores in the Philippines and with distribution companies abroad including Singapore, Canada at iba pang lugar.

Bukod kay Bea, ang Beautederm ambassadors include celebrity couples Marian Rivera and Dingdong Dantes, Glydel Mercado and Tonton Gutierrez maging sina Rochelle Barrameda at Jimwell Stevens. Ang mga ito ay bukod pa kina Sylvia Sanchez, Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Cristina `Kring-Kring’ Gonzales, Piolo Pascual, Darren Espanto, Andrea Brillantes, Maja Salvador and a host of other others.

Ngayong bahagi na rin si Bea ng pamilya ng Beautederm, dream come true itong maituturing for Rhea who had her in her mind kahit nung nagsisimula pa lamang ang kanyang kumpanya in 2009.

“It pays to wait,” aniya.

Sa rami ng mga produkto ng Beautederm, Bea is assigned to endorse REIKO Fitox Digestion Enhancer and REIKO Slimaxine Diet Enhancer products na siyang personal na gamit din ng Kapuso actress.

The actress and celebrity endorser just flew back from her week-long trip to Madrid, Spain bago siya humarap sa entertainment media for the launch and contract signing with Beautederm. Ngayon ay nasa lock-in taping na siya para sa kanyang kauna-unahang TV series with her new home studio, ang GMA, ang Philippine adaptation ng hit Korean drama series na “Start-Up” kung saan niya kapareha for the very first time ang Kapuso prized actor na si Alden Richards kasama sina Yasmien Kurdi, Jeric Gonzales, Gina Alajar at iba pa. Mas nauna pa niyang simulan ang TV series kaysa sa movie na pagtatambalan sana nila ni Alden na siyang unang napabalitang gagawin ng dalawa.

During the presscon, sinabi ni Bea na kung magkakaroon umano siya ng break sa taping ng “Start-Up” ay gusto niyang bumalik ng Madrid, Spain kasama ang kanyang inang si Mary Anne Ranollo.

Pero hindi nito binanggit kung kasama ang kanyang nobyong actor na si Dominic Roque.

Mag-isang lumipad si Bea patungong Madrid last March 14 pero job-related umano ito.

Samantala, nagpasalamat si Bea na bahagi na siya ngayon ng Beautederm family lalupa’t user umano siya ng mga produkto ng kumpanya.

AllyAlly1Baguhang singer engrande ang debut party

ISANG engrandeng debut party ang aming dinaluhan last Thursday, March 24 ng gabi, ang 18th birthday ng baguhang singer na si Ally Gonzales na bagong discovery at alaga ng veteran composer na si Vehnee Saturno. Ito’y ginanap sa romantikong lugar na Fernwoods Gardens in Quezon City na dinaluhan ng kanyang young widowed mom na si Josh, her 73-year-old grandmother, her relatives and friends in and out of the industry. Namataan din namin sa nasabing okasyon ang ilang celebrities tulad ni Cris Villanueva, Gladys Reyes, Nikka Valencia, movie director Lester Dimaranan, ang mag-asawang Vehnee Saturno at Ladine Roxas at ilang kasamahan sa entertainment media na sina Robert Silverio, Mell Navarro, Anne Venancio, Pete Ampoloquio at Rodel Fernando.

Malungkot na masaya ang debut party ni Ally. Malungkot dahil hindi inabutan ang kanyang 18th birthday ng kanyang namayapang amang si John Allyson Gonzales, isang actor at isa sa mga alagang actor noon ng namayapa na ring director at talent manager na si Direk Maryo J. de los Reyes. Ang papa ni Ally ay sumakabilang-buhay nung May 8, 2021 dahil sa stroke sa edad na 44. On same month ay yumao rin ang two-month old baby sister ni Ally due to complications matapos siyang isilang.

“Ang hirap mag-celebrate ng isang malaking okasyon nang hindi kayo kumpleto,” teary-eyed na pahayag ng singer ng awiting “Ating Kabanata” na ibinase ng composer na si Vehnee sa love story ng kanyang parents.

“Parang tribute ko na rin kina Papa at Mama ang song ko,” ani Ally na sa kabila ng kalungkutang nadarama that evening ay pinilit nitong maging masaya for her mother and grandmother at sa lahat ng mga bisitang dumalo sa kanyang kaarawan.

“Kumpleto sana ang kaligayahan ko kung kasama ko ngayong gabi si Papa,” maluha-luhang pahayag ni Ally na pilit ikinubli ang kalungkutan.

Samantala, dumalo rin ang Kapuso actor na si Kelvin Miranda na siyang leading man ni Ally sa kanyang music video na dinirek ni Miggy Tanchangco.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE