Bea

Bea, ayaw madaliin ang pag-aasawa

June 8, 2023 Vinia Vivar 388 views

Nilinaw ni Bea Alonzo ang tsikang engaged na sila ng boyfriend na si Dominic Roque.

Lumutang ang nasabing balita nang ibahagi ng celebrity couple kamakailan sa kanilang Instagram ang mga larawan na kuha mula sa romantic getaway nila sa isang beach with matching candlelight dinner.

Kaagad naghinala ang fans and netizens na nag-propose na si Dominic kay Bea.

Sa panayam ng GMA-7 sa aktres, nilinaw niya na hindi pa sila engaged ng boyfriend.

“’Yun, picture ‘yun noong nagpunta kami sa Amanpulo. Akala ng mga tao na engaged kami. Hindi, hindi pa po,” sabi ni Bea.

Sa mga naunang panayam ng aktres ay lagi niyang sinasabi na hindi pa siya ready sa ngayon na mag-asawa at ayaw nilang madaliin ang ganitong bagay.

AUTHOR PROFILE