TVJ

Alden, matinong kausap — Tito Sen

June 8, 2023 Vinia Vivar 383 views

Inamin ni Tito Sotto na gusto sana nilang isama si Alden Richards sa TV5, ang bagong bahay ng Eat Bulaga, pero hindi talaga puwede dahil nakakontrata pa ito sa GMA-7.

“Kung wala na siyang kontrata sa Channel 7, eh, bakit hindi?” pahayag ni Tito Sen sa panayam sa kanya ni Cristy Fermin last Wednesday ilang oras matapos ang announcement na nasa TV5 na ang TVJ.

“Kasi nakarinig ako ng balita na gusto naman ni Alden, eh, kung talagang siya’y maiimbita. Kaya lang, alam ko, mayroon siyang kontrata sa GMA,” dagdag pa ni Tito Sen.

In fact, nagpapasalamat din siya sa pagpapahayag ng suporta ni Alden sa TVJ at sa buong Dabarkads.

“Salamat, salamat kay Alden. Alam naman namin ang kalooban ni Alden, eh. Parang kami ‘yan, eh. Kung wala rin lang kontrata, ‘ika nga, eh. But napakatinong kausap ni Alden,” saad pa ng dating senador.

Natanong din si Tito Sen kung kasama ba si Maine Mendoza sa TV5 at sey niya, “Yes. As a matter of fact, kahit na siya’y ikakasal, nagbilin pa siya sa amin, basta may mga meeting, may mga lakad at may kailangan, siya raw ay handang sumama sa lahat ng oras.”

Biglang sumingit si Joey de Leon na katabi pala ni Tito Sen at sinabing “kasama pa kami sa honeymoon.”

Natanong din siya kung ninong ba silang tatlo sa kasal nina Arjo Atayde and Maine at sagot naman ni Tito Sen, “Oo, kaming tatlo, ninong, Tito, Vic and Joey. TVJ ang ninong.”

Sinabi rin ni Tito Sen na inihahanda na ang studio ng TV5 sa Reliance sa Mandaluyong dahil doon gaganapin ang live show ng EB.

Kung kailan ang first broadcast, aniya, “Gusto sana namin, as soon as possible, pero at the rate things are going, dahil sa mga preparasyon at saka, ‘ika nga, ay may itinatag kaming TV production company, pinaka-late na siguro ang first week of July.”

Sa tanong kung Eat Bulaga pa rin ang magiging titulo ng kanilang time show sa TV5, ayon kay Tito Sen, ito ang kanilang inaayos ngayon.

“’Yan ang nilalakad namin ngayon sapagkat naniniwala kami na ang history, ang kasaysayan at ang mga batas ay nakakampi sa amin. Kami’y sumasandal sa batas at sumasandal sa katotohanan at kasaysayan.

“Kaya alam namin na kami ang nagmamay-ari ng title na Eat Bulaga. Si Pareng Joey ang nag-imbento niyan nu’ng 1979,” pahayag ni Tito Sen.

AUTHOR PROFILE