Bea at John Lloyd, magsasama sa GMA?

June 30, 2021 People's Tonight 184 views

UMINGAY ang ispekulasyon ng maraming taga-showbiz na si Bea Alonzo ang tinutukoy na award-winning actress na magiging Kapuso artist na.

Naglabas ng teaser sa kanyang Instagram si Kapuso Girl tungkol dito kaya kanya-kanya na ng hula ang netizens.

Ngayong araw na ito ay may virtual event sa GMA. Pero wala silang tinukoy kung tungkol saan ang event.

Eh, hindi naman siguro puwedeng si Xian Lim na nabalitang may series sa Kapuso with Jennylyn Mercado.

Under Viva Artists Agency (VAA) si Xian kaya malamang na sa project na lang with Jen ang gagawin niya.

Saka aktres ang sabi, hindi aktor.

Of course, kung si Bea nga, most welcome siya sa GMA.

Tutal naman, may project din ang dating ka-loveteam niyang si John Lloyd Cruz sa network kaya malaki ang posibilidad na magsama silang muli kung hindi man sa TV, baka sa GMA Pictures.

Gaya ng dati, abangers na lang sa ganap today sa GMA dahil maglalabas din naman sila ng official statement tungkol dito.

LEVEL UP

YanMaineLEVEL up na ang Beshie Alert ni Rams David. Magkakaroon na ito ng sarili niyang channel sa YouTube.

Magaan-gaan na rin ang trabaho ni Rams sa Triple A dahil consultant ang work niya sa management company.

Kaya full time na siya mapapanood sa YT channel niya bukod sa kanyang sariling management company na Artist Circle na ina-activate niyang muli.

Sa unang handog niya, si Ken Chan ang makakausap niya. Malaki ang naging tulong ni Rams kay Ken para mapasok sa showbiz through German Moreno.

Subscribe na tayo sa YT channel ni Rams na Beshie Alert.

Malay natin, baka ma-interview rin niya rito sina Marian Rivera at Maine Mendoza, huh!. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE