Heartchiz

Chiz, proud sa pagtitipid at pag-i-invest ni Heart

June 30, 2021 Vinia Vivar 163 views

Proud na ipinakita ni Heart Evangelista sa kanyang latest vlog na mayroon na siyang sariling beach resort located in Boracay.

“After working for 24 years, I think it’s important that we invest our hard-earned money,” pagmamalaki ni Heart.

May titulong A Weeked in Harlan, Boracay, sa naturang vlog ay nagbigay ng tour ang aktres sa kanyang bagong resort, ang Harlan Beach Villa Boracay.

Hindi naman daw niya ito solo at mayroon siyang mga business partner.

“I put a bit of my lifetime savings with other partners, for this little resort. I really want to vlog it because I want to invite you guys one day,” ani Heart.

Excited si Heart at sobrang happy na finally ay mayroon na siyang sariling investment na katas talaga ng kanyang pinagpaguran.

“I’m so, so glad to be part of the group that invested here. Just a little bit. But it’s hard work and I’m just so happy that I did that.

“So, yes, after working for 24 years, I think it’s important that we invest our hard-earned money, so now it’s time to enjoy the fruits of labor.”

Kasama rin ni Heart sa pagbisita sa resort ang mister niyang si Sorsogon Governor Chiz Escudero pero kinailangan din nitong umalis the following morning.

Tanong ni Heart kay Chiz, “Are you proud of me because of all my good decisions in life?”

And then, she said, “This place. Sobrang liit lang naman pero you know, that’s my hard-earned money, no!”

Sagot naman ni Chiz, “Of course. You’re learning to save and invest.”

PRIME SERIES FINALE

Pagkatapos ng ilang buwang pamamayagpag sa ratings, this Friday, July 2 ay magtatapos na ang Kapuso prime series na First Yaya starring Sanya Lopez and Gabby Concepcion.

Gabby reveals what he will miss the most in the series, “Mami-miss ko ‘yung samahan at tawanan. Hindi naman parating masaya sa set pero ito kakaiba dahil ngayon lang ako nakaranas na kahit sa set o sa labas, talagang masaya kami. Hindi ko malilimutan ‘yung samahan ng buong cast, staff at production team.”

Sanya, in turn, describes how her first titular role changed her life.

Aniya, “Mas lumalim po ‘yung pagkakakilala ko lalo na sa mga kasambahay sa buhay natin. Mas na-realize ko na lahat tayo, lalo na ang mga kasambahay, lahat tayo may dinadalang problema. Dito mas nakilala ko ‘yung sarili ko at natutunan ko na sa buhay natin hindi lang sarili natin ‘yung mahalaga, pati na rin ‘yung buhay ng ibang tao.”

Ayon naman sa isa rin sa cast na si Pancho Magno, excited daw ang buong team na mapanood ng viewers ang finale week.

“Abangan nila kung ano pang mangyayari sa lahat ng characters. Honestly, we’re all super excited kung ano ang magiging kalalabasan at magiging reaction ng mga tao sa finale week namin.”

Ibinahagi namang ng direktor na si LA Madridejos kung ano ang sa tingin niyang sikreto ng onscreen chemistry nina Sanya at Gabby.

“Basically kung ano ‘yung nangyari kina Yaya Melody at PGA, ganoon din ‘yung nangyari sa chemistry nina Sanya and Gabby. As we go along, makikita mo magwo-work ‘yung magic niyan. Iyon ‘yung masarap sa hindi pinilit. Iyon ‘yung masarap sa hinayaan mo mag-grow sila. Tapos unti-unti, kahit wala kang ibinibigay na instructions, meroon na silang inputs and nagagawa na at alam mo na na-invibe na nila ‘yung buong character,” ayon kay Direk LA.

Kasama rin sa cast sina Pilar Pilapil, Gardo Versoza, Cassy Legaspi, Joaquin Domagoso, Maxine Medina, Kakai Bautista, Cai Cortez, Thou Reyes, Glenda Garcia, Buboy Garovillo, Thia Thomalia, Jon Lucas, Anjo Damiles, Jerrick Dolormente, Sandy Andolong at Analyn Barro.

AUTHOR PROFILE