BBM-Sara

BBM-Sarah tandem kakaiba

December 19, 2021 People's Tonight 1138 views

TulfoLINGID sa kaalaman ng karamihan na habang ang ibang mga kandidato ay nagpaplano sa mga gagawing gimik ngayong Pasko para makahatak ng mga botante…iba naman daw ang pinagkaabalahan ng grupo nina Presidential aspirant Bongbong Marcos at Vice Presidential candidate Sara Duterte-Carpio.

Ayon sa ilang impormante na may access sa BBM-SARAH Uniteam, papasok pa lang daw ng Philipppine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Odette noong Miyerkoles ng umaga, pinag-uuspan at pinaplano na raw nina BBM at Sara ang paghahanda ng mga relief goods para sa mga tatamaan ng bagyo.

Kaya noong Huwebes ng umaga, pagtama sa kalupaan ni Odette, ang grupo nina BBM sa Luzon at mga tauhan naman ni Inday Sara sa Mindanao ay nagrerepak na ng bigas, de lata at iba pang relief good items na ipapamahagi sa mga biktima ng nasabing delubyo.

Kasabay nito, nanawagan din si dating Senador Marcos sa kanyang mga supporters na may kakayahang tumulong sa relief operation na magbahagi ng kanilang makakaya para sa mga masasalanta ng bagyo.

At hindi naman binigo ng mga supporters ang kanilang idol, kaya noong Biyernes ng umaga binaha ng samut-saring pagkain tulad ng bigas, delata, at iba pang essential items ang repacking center ni BBM.

At noong Biyernes bago magtanghali ay umusad na ang mga relief convoys ni Inday Sara sa Cagayan De Oro, Lanao Del Norte, Lanao Sur, at Surigao habang ang releif trucks ni BBM ay tumulak patungong Leyte, Bohol, Cebu, at Samar.

Nagpasalamat si BBM sa mga nagpadala ng mga pagkain at daan-daang volunteers para magrepack ng relief goods.

“Nakakatuwang isipin na kahit may pandemya tayo ay buhay na buhay pa rin sa ating mga Pilipino ang bayanihan. Taos puso po akong nagpapasalamat sa mga donors at mga volunteers dahil sa maagap na pagtulong dahilan para mapabilis ang ating pagresponde sa hinihinging tulong nga ating mga typhoon victims. Maraming, maraming salamat po”, ayon kay Presidential aspirant Marcos sa isang press statement.

May ilang politiko ang nanawagan sa lahat ng kandidato na tulungan daw ang mga nasalanta ng bagyo kaysa sa puro lang kwento.

Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, ang chief of staff ni BBM, bago pa man manawagan ang mga politiko ng ayuda para sa mga biktima ng kalamidad, nagrerepack na ang kampo nila ng mga relief goods.

“Hindi baleng walang umeepal na lider-lideran, basta may dumarating na tulong. Mas importante kasi na may nararamdamang tulong ang mga tao kaysa sa nagpapakitang tulong lang,” ani Atty. Rodriguez.

Korek!!!. Ni Erwin Tulfo

AUTHOR PROFILE