BBM-Sara

BBM-Sara Uniteam namayagpag sa Caloocan

January 16, 2022 Edd Reyes 831 views

NAMAYAGPAG sa Lungsod ng Caloocan ang tambalan nina presidential aspirant Bongbong Marcos at vice presidential aspirant Davao City Mayor Sara Duterte sa isinagawang survey ng Actual and Comprehensive Evaluators, Inc.

Sa 5,164 respondents mula sa tatlong distrito ng Caloocan na kilala bilang isang vote-rich city, namayagpag sa 71% ang nagsabing si Marcos ang kanilang iboboto sa pagkapangulo, habang pareho namang nakakuha ng 10% sina Vice President Leni Robredo at Manila Mayor Isko Moreno, Senator Ping Lacson na may 5% at Senator Manny Pacquiao na nakakuha ng 2%.

Lumabas ayon sa survey na pito sa sampung mga taga-Caloocan ang gustong maging presidente si Marcos laban sa ibang presidential aspirants habang 2% naman ang nananatiling undecided.

Si Marcos ang top presidential candidate sa “Bukid Area” o ang District 1 at ang bagong tatag na District 3 kung saan siya nakakuha ng 74% at 71%.

Pagdating naman sa District 2 na kilala bilang commercial hub area sa lungsod, si Marcos pa rin ang nananatiling Top 1 sa puso ng mga botante matapos siyang makakuha ng 67%.

Samantala, nanguna rin ang ka-tandem ni Marcos na si Davao City Mayor Sara Duterte na nakakuha ng 49% laban sa iba pang vice presidentiables, Sen. Tito Sotto na may 34%, Willie Ong, 9%, Sen. Francis Pangilinan, 4% at 3% naman ang nananatiling undecided.

Sa mayoralty-race naman, malayo ang lamang ni 1st district Rep. Dale “Along” Malapitan na may 65% laban kay 2nd district Rep. Egay Erice na nakakuha ng 32%, habang ang running-mate ni Malapitan na si Councilor Karina Teh ay nakakuha ng 60% laban sa kalaban nitong si Councilor PJ Malonzo na may 32%.

Number 1 naman sa pagka-congressman ng 1st District si Mayor Oca Malapitan na may double-digit na lamang laban kay Councilor Alou Nubla habang nanguna para sa pagka-congressman ng 2nd District si incumbent Vice Mayor Maca Asistio.

Sa bagong tatag na District 3, halos doble ang lamang ni Councilor Dean Asistio na nakakuha ng 63% laban kay dating Mayor Recom Echiverri na may 33%.

AUTHOR PROFILE