Derek & Ellen

Bashers, walang kawala kina Derek at Ellen

September 30, 2021 Vinia Vivar 330 views

Hindi pinalampas ni Ellen Adarna ang basher na nagkomento nang hindi maganda tungkol sa fiancé niyang si Derek Ramsay.

Sa isang video na ipinost ni Ellen sa Instagram ay makikita si Derek na topless. Hinaharot siya ng aktres na siyang kumukuha ng video.

Sey ni Ellen kay Derek, “Love, you’re so handsome.”

Si Derek naman ay parang nagpapa-cute na kiyemeng umiiwas sa camera.

Inilapit pa ni Ellen ang camera para i-close-up ang mukha ni Derek. Maririnig din na sinabihan niya ang fiancé ng “sexy” at halatang naku-conscious naman ang aktor.

Dumagsa ang komento sa comments section at marami namang kinilig sa lambingan ng dalawa.

Komento nga ni Jackie Forster, “So weird seeing Derek getting conscious iba ang powers mo Adarna! .. but be careful baka ma lamog si dong.”

Birong sagot naman ni Ellen, “Better conscious than unconscious.”

Ang iba naman ay nainggit sa sweetness ng dalawa at komento nila, “Sana all.”

Pinuri rin ng mga netizen si Derek at sinabing ang cute raw ng aktor.

Pero may isang basher na tinawag na kalbo at matanda na si Derek.

“Tanda na di na bagay sayo derik pa cute kalbo,” komento ng netizen.

Knowing Ellen, talagang ‘di niya ito palalampasin kaya naman talagang sinagot niya ang basher.

“Mukha ka din naman matanda, ah… di na rin bagay sayo makialam and humahanash bakit cute ka? Ganda ka???!!!” pagtataray ni Ellen.

Pati ang mga netizen ay naaliw at natawa sa sagot ng aktres.

Sa isa namang IG post, si Derek ang pumatol sa isang basher.

Sa komento sa picture ng engaged couple, sinabi ng isang netizen na, “Ano na derek! Overdue na! Palit na ng jowa! Bored na kme kay ellen!”

Sinagot ito ni Derek ng, “Sounds like bored ka na sa buhay MO.”

AUTHOR PROFILE