Posas1

Baril nabuking sa LRT1 bomb monitoring

September 12, 2023 Jonjon Reyes 187 views

HINDI nakalusot sa x-ray operator ang tangka ng isang 42-anyos na lalaki na makapagpasok ng baril sa southbound ng Light Rail Transit 1 sa Blumentritt station sa Sta. Cruz, Maynila noong Martes.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Ramon Czar Solas, commander ng Manila Police District-Jose Abad Santos Police Station 7, ang suspek na si Benpres Vijuan, ng Dayao St., Balut, Tondo.

Batay sa ulat ni Police Major Manuel Calleja, habang nagsasagawa ng monitoring sa bomb threat sina Police Chief Master Sergeant Rommel Alfaro at Police Corporal Leogen Valdez bandang alas-11:00 ng umaga nang maiulat na isang lalaki na may dalang kalibre 38 na baril na may 2 bala sa kanyang bag ang nagtatangkang sumakay ng LRT.

Nakita ng isang security guard na nakatalaga sa x-ray machine kaya ito pinigil at dinala sa mga pulis.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearm and Ammunition Regulation Act) at BP 881 (Omnibus Election Code) si Vijuan.

AUTHOR PROFILE