Default Thumbnail

Bangkay ng huling biktima ng Basilan ferry fire, narekober

April 13, 2023 Zaida I. Delos Reyes 197 views

NATAGPUAN na ang huling nawawalang bangkay mula sa nasunog na MV Lady Mary Joy 3 nitong Abril 11, 2023.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), ang bangkay ni Private First Class (PFC) Marion Malda ay natagpuan sa karagatang sakop ng Barangay Sulutan Mamatangal, Hadji Mohammad Adjul.

Ang biktima ay isa sa mga sundalong nakasakay sa barko.

Sa pagkakarekober ng bangkay ni Malda, aabot na sa 33 katao ang nasawi sa insidente.

Matatandaang una nang iniulat ng PCG na may 249 pasahero ang barko nang masunog ito. Sa nasabing bilang, 216 ang nakaligtas.