Default Thumbnail

Ex-NPA member, sumuko sa Ecija

April 13, 2023 Steve A. Gosuico 381 views

CABANATUAN CITY – Isang dating miyembro umano ng New People’s Army (NPA) ang sumailalim ngayon sa isang “routine tactical questioning” matapos na sumuko sa mga awtoridad sa 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) dito nitong Miyerkules.

Ayon kay Lt. Col. Robert D. Agustin, 1st PMFC commander, ang sumukong dating rebelde ay may alias na “Odel,” construction worker, ng Pulong Mayaman, Aliaga, Nueva Ecija.

Kabilang umano siya sa grupo ng “gerilya sa baryo” sa ilalim ng “Larangang Gerilya sa Patag Uno (LGP1) na dating may base ng operasyon sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan.

Sinabi ni Agustin na ang nasabing operasyon ng pagsuko ng dating rebelde ay ginanap sa 1st PMFC headquarters 10:30 ng umaga (Abril 12) at aniya, sila umano ang nanguna dito, sa pakikipagtulungan naman sa mga personnel mula sa Army at police units kabilang ang Provincial Intelligence Unit-Nueva Ecija Police Provincial Office (PPO).

Dagdag pa ng 1st PMFC official, ang anumang mahalagang impormasyon na makukuha mula sa sumukong dating rebelde ay isasailalim muna sa masusing pag-aaral para sa mga susunod na gagawing police at military operations.

AUTHOR PROFILE