Estero Ang malagim na insidente na naganap sa Estero de Magdalena sa Recto Avenue. Kuha ni JON-JON REYES

Balete bumagsak sa bahay; bata, 2, dalawa pa patay

May 18, 2023 Jonjon Reyes 330 views

TATLONG katao kabilang ang dalawang taong gulang na batang lalaki ang nalibing ng buhay matapos na mabagsakan ng puno ng balete ang kanilang bahay sa Estero de Magdalena,sa Recto Avenue,Binondo,Maynila Huwebes ng hatinggabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Edcel Lansiola, 42, at ang mag amang sina Jomar Portillo, 42,at John Mark Portillo, 2, taong gulang na naisugod pa sa Jose Reyes Memorial Medical Center.

Ayon sa report naganap ang malagim na insidente 12:46 ng madaling araw ngunit pasado 7 a.m. na ng Huwebes nang ma-retrieve ang mga biktima sa tulong ng mga responders kasama ang Philippine Red Cross (PRC), Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) , Bureau of Fire Protection at PNP. sa nasabing lugar.

Sugatan din ang limang residente na nagtamo ng multiple abrasions sa kanilang mga katawan.

Gayunpaman inaalam pa ng mga awtoridad kung ilang bahay ang nabagsakan ng nasabing puno at ang dahilan ng pagbagsak nito.

Patuloy pang inaalam ng mga kagawaran ng Manila Social Welfare Development (DSWD) at ng pamahalahang lungsod kung ilang pamilya ang naapektuhan at nabagsakan ng puno para maabutan sila ng agarang tulong.

AUTHOR PROFILE