Baha Ang inirereklamong lugar sa lugar na laging binabaha kahit walang ulan. Photo courtesy by Jason Salador (PTIX) spokesperson

Baha sa isang areang P’que binaha ng puna

September 5, 2021 Jun I. Legaspi 754 views

PERWISYO ang nararanasan ng mga public transportation at mga private motorists dahil hindi pa rin nabigyan ng solusyon ang baha sa kanto ng Macapagal Ave. at Mindanao Ave. sa Paranaque City.

Ayon sa mga reklamong pinaabot sa awtoridad, araw-araw ang nararanasang perwisyo ng mga public transportation may ulan man o wala, saad ng mga motorists.

Nauna nang ipinasipsip ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang tubig ng baha at inayos ng Department of Public Work and Highways DPWH ang mismong kalsada, pero patuloy pa ring bumabalik ang abot-binting baha sa lugar.

Ang nasabing kalsada ay regular na dinadaanan ng mga bus at iba pang pampublikong sasakyan na lumalabas sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX), pati mga trak na mula sa ginagawang LRT-1 Cavite Extension at mga kalapit na itinatayong gusali.

Dahil sa perwisyong dala ng baha, bumabaha na rin ng reklamo mula sa mga drayber, pasahero, at PUV operators. Nakaabot pa ito sa Malacanang sa pamamagitan ng Citizens’ Complaint Hotline. Bukod kasi sa mabigat na daloy ng trapiko, nagdudulot diumano ng sira sa sasakyan ang lalim ng baha. Maliban pa rito, ilang disgrasya na rin ang naitala sa lugar dahil hindi pamilyar ang ilang motorista sa estado ng kalsada lalo na sa gabi.

Ayon sa mga impormasyon, tila pinagpapasa-pasahan ang problema, kaya mahigpit ang panawagan ng mga motorista at publiko sana ay bigyan agad ng pansin ang perwisyon baha sa lugar.

Hindi rin matanggap ng publiko na siyang patuloy na napeperwisyo sa lagay ng daan. Ayon naman sa Paranaque local government, hindi rin sila makakilos dahil hindi pa naililipat sa kanila ng Philippine Reclamation Authority (dating Public Estates Authority) ang jurisdiction sa lugar.

AUTHOR PROFILE