Crime

Babaeng Indian nat’l patay sa pamamaril

August 27, 2023 Bernard Galang 171 views

ISANG babaeng Indian ang patay matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Jasa Road, Bgy. San Juan Nepomuceno, Guagua, Pampanga noong Sabado.

Sa ulat kay PRO 3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr.,nakilala ang bikirma na si Jagan Freet Kaur, 24, ng Bgy. Dolores, San Fernando City, Pampanga.

Ayon sa pulisya, nakaupo lang ang biktima sa kanyang motorsiklo nang huminto ang isa sa dalawang sakay ng motorsiko at pagbabarilin siya gamit ang kalibre 45 baril.

Matapos ang pag-atake, tumakas ang mga suspek na nakasuot ng itim na helmet at itim na jacket papunta sa Lubao, Pampanga.

Sinabi ni Hidalgo na agad na nagsagawa ang Guagua police ng dragnet operation sa mga kalapit na police units para mahabol ang mga suspek.

AUTHOR PROFILE