Posas

Mister na nagtago dahil sa gahasa nahanting sa lungga

August 27, 2023 Steve A. Gosuico 150 views

PANTABANGAN, Nueva Ecija–Laglag sa kamay ng pulisya sa Cavite noong Sabado ang isang lalaking suspek sa panghahalay matapos ang dalawang taong pagtatago sa batas.

Kinilala ni Major Roilan Gonzales, hepe ng pulisya, ang suspek na isang 50-anyos na naaresto sa Bgy. Ligtong 4, Bgy. Rosario, Cavite.

Nahuli ang suspek sa pangunguna ni Rosario, Cavite police chief Major Sandie D. Caparroso, ayon kay Gonzales.

Nakakulong na ngayon ang suspek sa Rosario police station.

AUTHOR PROFILE