Default Thumbnail

Babaeng back rider pisak sa bus

June 9, 2023 Zaida I. Delos Reyes 151 views

PATAY ang isang babae matapos na magulungan ng bus nang aksidenteng mahulog sa sinasakyang motorsiklo sa Tanza, Cavite.

Ang biktimang back rider ng motor ay nasa hustong gulang at residente rin ng lugar.

Batay sa ulat ng Tanza Police, ang insidente ay naganap sa Barangay Amaya II, Tanza, Cavite.

Nakasakay umano ang biktima sa motorsiklo na minamaneho ng kanyang live-in partner nang makagitgitan nila ang isang bus.

Sumemplang ang motorsiklo dahilan upang mahulog ang biktima at magulugan ng bus.

Dead on the spot ang biktima habang nasugatan naman ang kanyang live-in partner.

Nahaharap naman sa reklamong reckless imprudence resulting to homicide ang driver ng bus.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang bigyang linaw ang insidente.