Babae binaril sa loob ng bahay, dedo

October 13, 2021 Francis Naguit 81 views

PATAY ang isang babae nang barilin sa loob ng isang bahay ng tatlong hindi pa nakikilang salarin Miyerkules ng gabi sa Malate, Maynila

Sa ibinahaging impormasyon ni MPD-PIO Capt.Philipp Ines, kinilala ang biktima na si Jean Carmen Gelacio, 25, nakatira sa 584- D , P. Quirino Avenue, Malate.

Isang tama ng bala sa ibaba sa kilikili ang tinamo ni Gelacio na nagresulta ng agaran nitong pagkamatay alas 11:45 p.m.

Base sa impormasyon, nagtungo ang tatlong salarin sa bahay ng biktima at hinahanap ang isang ‘Bryan’.

Kinatok umano ng isa sa suspek ang pinto ng bahay ng biktima at pinalalabas si Bryan at nang pagbuksan ni Gelacio ay dito na siya binaril.

Mabilis na tumakas ang mga suspek na ayon sa testigo at kasama ng biktima sa bahay na si Jaime Orca ay tatlong suspek ang responsable sa pagkamatay ng biktima.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng follow up operatiin ang MPD-Homicide Section sa krimen.

Inalaam din ang impormasyon kung may kinaaman ang biktima sa ilegal na aktibidad dahil aktibo umano itong nasasangkot sa ilegal na droga. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE