Alex Lopez

Ayuda ng seniors ‘di pinigil ni Lopez

April 30, 2022 Ryan Ponce Pacpaco 161 views

PINALAGAN ni Manila mayoralty candidate Atty. Alex Lopez ang mga kumakalat na “fake news” at nilinaw na hindi siya ang pumigil sa pagpapalabas ng benepisyo para sa senior citizens ng lungsod.

Sa isang panayam, sinabi ni Lopez na may mga lumabas sa mga pahayagan na mga artikulong nagsasaad na siya ang pumipigil sa benepisyo ng mga senior citizen sa Maynila ganung hindi naman siya nakaupo sa posisyon.

Ipinakita rin ni Lopez ang isang diyaryo kung saan lumabas ang artikulo at aniya’y naberipika niya na hindi batid ng publication ang naturang artikulo at ang kumalat na isyu ay peke rin.

Si Lopez ay kumakandidato pa lamang sa pagka-mayor ng Maynila at isa siya sa nananawagan sa pamahalaang Lungsod ng Maynila na i-release na ang benepisyo ng mga senior citizen.

Ayon kay Lopez, kandidato ng UniTeam, sumulat siya sa pamahalaang lungsod noong nakaraang taon at inulit ang una niyang panawagan na i-release na ang senior citizens fund.

Nagbabala rin ito na hindi niya titigilan ang mga nagpapakalat ng fake news laban sa kanya at patuloy niyang ihahayag ang mga katiwalian lalo na sa pagwaldas ng pera sa mga proyektong hindi naman talaga kailangang gawin.

Si Lopez ang isa sa nananawagan noon sa pamahalaang Lungsod na ipaliwanag sa taumbayan kung saan napunta ang inutang ng pamunuan.

AUTHOR PROFILE