WHAT'S NEW

SEE ALL
Yap

Ayuda ng ACT-CIS tuluy-tuloy lang

June 19, 2022 People's Tonight 320 views

TULOY-TULOY lang ang ayuda ng ACT-CIS Partylist sa mga mahihirap at mga nangangailangan na mga kababayan.

Sa isang panayam, sinabi ni ACT-CIS Cong. Edvic Yap, โ€œhindi titigil ang pagbibigay ng ayuda ng grupo kahit wala na sa ACT-CIS si Sir Erwin Tulfo.โ€

Matatandaang si Tulfo ay itinalaga ni incoming President Ferdinand โ€˜Bongbongโ€™ Marcos bilang bagong kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Yap, Si Cong. Jeff Soriano na ang magpapatakbo ng ACT -CIS Action Center.

Ani Yap, โ€œtuloy ang pagbibigay nila ng mga gamot, hospital and burial assistance.โ€ sa mga kapuspalad na mamamayan na dudulog sa kanilang tanggapan.

Pahabol pa ni Yap, lumipat na ang ACT CIS Office sa 81 Mother Ignacia St., mula sa Timog Avenue, Quezon City.

AUTHOR PROFILE