Ayanna

Ayanna, sinapian sa shooting

June 18, 2022 Ian F. Fariñas 1327 views

LITERAL na “nawala sa sarili” si Ayanna Misola sa sobrang tindi ng mga eksena niya bilang pinakabida sa 2022 reimagination ng classic Pinoy movie na Ang Babaeng Nawawala sa Sarili.

Kwento ng Vivamax sexy star sa virtual mediacon ng pelikula na dinirehe ni Roman Perez Jr., hinimatay siya at dalawang oras natigil ang shooting dahil sa hirap ng pagganap na ginawa niya sa karakter na may tatlong personalidad.

Matatandaan na unang pumatok sa takilya Ang Babaeng Nawawala sa Sarili starring Dina Bonnevie.

Nang tanungin kung mas matindi, malandi, makamandag at mapangahas ang ginawang portrayal ni Ayanna, sinabi niya, “opo.”

Dagdag ni Ayanna, “Pinanood ko po ang old film sa YouTube before kami mag-lock-in. Pero iba po kasi ang story noon. Sobrang layo. So, magkaiba ang approach. Hindi siya katulad ng ginawa ni Miss D.

“Challenging ito, kasi sobrang idol ko po talaga si Miss Dina. Gusto kong mahigitan ang mga nagawa ko before. Unique po kasi talaga ito, kaya sana nabigyan ko ng justice.”

Dagdag pa niya, mas daring ang version ng movie ngayon.

“Alam naman natin na sa Vivamax walang tagu-tago. Mas malala pa ito ngayon. Ang daming reason para ma-shock kayo. Mapapaisip talaga kayo sa mga eksena. Abangan na lang nila, lalo na ang revelations,” tsika pa ni Ayanna.

Kakaiba naman ang kwento ni Direk Roman dahil marami raw silang naramdamang ispiritu sa location shooting.

Para nga raw sinasapian si Ayanna kaya na-stop ang shooting.

Aniya, “Maraming spirits sa bahay na location. Nagulat ako kasi para na siyang nasapian. Natakot ako. Kasi ’yung body niya pagod na pagod, eh, ’di ba, ‘pag weak ang body pinupuntahan ng spirit.

“Nagdarasal naman kasi sa set. Pero hindi natin masabi dahil ang bahay ay 75 years old na. Baka maligaw ang spirit at puntahan si Ayanna. Nakita ko ang mukha niya, parang hindi na siya si Ayanna, namumutla, pati labi, at ang ginagawa naming eksena, sinasapian siya, nakakatakot talaga.

“Kaya pahinga kami ng dalawang oras. Sabi ko ’wag masyadong magmadali. Awa ng Diyos, nalampasan namin mga ganung struggle. Pero wala namang major na challenges.”

Bukod kay Ayanna, kasama rin sa cast ng Ang Babaeng Nawawala sa Sarili sina Diego Loyzaga (sa papel na originally played by Tonton Gutierrez), Mon Confiado, Ava Mendez, atbp.

Mapapanood na Ang Babaeng Nawawala sa Sarili via streaming sa Vivamax simula July 15.

AUTHOR PROFILE