Markus

Markus, masaya ang puso

June 18, 2022 Vinia Vivar 277 views

Nagsalita na rin si Markus Paterson hinggil sa usap-usapang hiwalay na rin sila ni Janella Salvador.

Sa latest interview sa aktor ng Cinema News, isa sa naitanong sa kanya ay kung ano ba talaga ang tunay na estado ng relasyon nila ni Janella.

“Our relationship status is definitely something that people are asking about. But as of now, I’m gonna let her do the talking on that situation but we’re both very good,” sey ni Markus.

He added, “We have (a) very good relationship with each other. So, let’s just leave it at that for now.”

Pero ayon sa aktor ay masaya naman daw ang kanyang puso ngayon.

“Ang puso ko ngayon? Masasabi ko lang na masaya, sobrang saya ng puso ko. Magaan in a lot of ways,” sambit niya.

“I’ve come to terms with a lot this year so far and I just can’t wait to grow more and learn more about everything in life, my craft, relationships, fatherhood. I’m so young and I can’t wait to just become the best version of me,” dagdag niya.

Matatandaang nagsimula ang break-up rumors sa dalawa nang mapuna ng netizens na hindi na sila nagpo-post ng mga larawan ng isa’t isa.

Ang huli pa nilang post together ay noong Enero nang mag-celebrate sila ng Bagong Taon.

BALIK-RECORDING

Kakaibang husay na naman ang ipapakita ng Kapuso girl group na XOXO sa pamamagitan ng kanilang latest single na My Miracle under GMA Music

Ang nasabing awitin ay tungkol sa pag-asa at inspirasyon sa kabila ng mga paghihirap na nararanasan along the way.

Masayang-masaya at super-excited sa kanilang pagbabalik sa recording ang grupo na binubuo nina Riel Lomadilla, Dani Ozaraga, Mel Caluag and Lyra Micolob.

“Mixed emotions ang nararamdaman namin ngayon, siyempre we are very happy that we are back on track. May pressure rin na kaunti kasi we see that the P-pop world is really booming, we want to show more of XOXO,” saad ni Dani.

“We rehearsed together since wala nang lock-in taping yung iba. Nag-try rin kami mag-vlog para may aabangan sila (XOldier) sa aming YouTube channel,” sey pa niya.

Ibinahagi naman ni Mel ang mensahe na nakapaloob sa awitin.

“Ang My Miracle ay isang ballad song. Mas ipapa-feel namin ang emotion because slow song ito. We will harmonize as one because of our different types of voice.”

“Kahit anong nangyari these past few years, kailangan natin bumangon dahil palaging may positive things sa mga darkness side na nangyayari sa buhay natin,” ani Mel.

My Miracle is composed by Lolito Go and produced by Paulo Agudelo under GMA Music. Available na ang nasabing single sa digital streaming platforms worldwide.

AUTHOR PROFILE