Yilmaz

Anak ni Ruffa hindi pwedeng magtagal kasama ang ama

June 18, 2022 Aster Amoyo 391 views

GUSTUHIN man mag-extend ng kanyang bakasyon si Lorin Gutierrez Bektas (18) with younger sister Venice (17) sa Istanbul, Turkey to spend more time with their dad, ang Turkish businessman na si Yilmaz Bektas, their half-sister na si Ilknaz Lauren Bektas at iba pang mga kamag-anak (sa side ng kanilang dad), she needs to cut it short dahil babalik siya ng California, USA for her studies.

Si Lorin ay freshman college student sa Pepperdine University, isang Christian University na matatagpuan malapit sa Malibu, California, USA.

Sina Lorin at Venice ay anak ng actress at dating beauty queen na si Ruffa Gutierrez sa ex-husband nitong si Yilmaz.

After her separation from her Turkish husband, it took Ruffa 15 years para payagan ang mga anak to get reunited with their dad and relatives in Istanbul, maybe the happiest moments in their lives.

Kung didiretso ng California, USA si Lorin, mag-isang babalik ng Pilipinas si Venice.

Nire-respeto naman ng ina ni Ruffa na si Annabelle Rama ang desisyon ng anak na payagang makipagkita sa kanilang ama ang dalawa niyang apo dahil nakita naman niya kung gaano kasaya ang mga ito kapiling ang kanilang ama at iba nilang mga kaanak.

Si Annabelle, Ruffa at Raymond Gutierrez ay isang linggong naging guest judges (with Ruffa as resident judge) sa “Sexy Babe” segment ng “It’s Showtime” at sobrang nag-enjoy ang audience laluna na kay Annabelle sa kanyang straightforward comments, hindi lamang sa mga contestants kundi lalung-lalo na sa kanyang unica hija na si Ruffa.

Tom

Tom sa pamilya nakakuha ng kakampi

SA pamamagitan ng Instagram account ng kanyang manager na si Popoy Caritativo ay inilabas ng Fil-Am singer-actor at ex-PBB housemate na si Tom Rodriguez ang kanyang official statement na may kinalaman sa kanilang agarang paghihiwalay ng kanyang (ex) wife of barely three months na si Carla Abellana.

“I left the Philippines for the US last March 13, with the realization that despite all my efforts, Carla had already given up on our marriage.

A lot has been said against me but in the end, Carla and I are the only two people who know the truth. I refuse to allow anyone, who only wants to use us and our brokenness, for news.

It was not a perfect relationship, but we both know how much we loved each other.”

Sina Tom at Carla ay nagkalapit sa isa’t isa nang kanilang gawin ang isang teleserye sa GMA, ang “My Husband’s Lover” in 2013 but it was in 2014 nang gawin nila ang bago nilang teleserye na “My Destiny” nang maging sila.

Almost 7 years ang naging relasyon ng dalawa bago finally nag-propose si Tom kay Carla na nasundan ng kanilang pagpapakasal nung October 23, 2021. Pero almost three months later ay nagkahiwalay ang dalawa, bagay na pinanghinayangan ng mga taong malalapit sa kanila.

Since hindi na umano binigyan ni Carla ng chance ang kanilang marriage, nag-file na rin si Tom ng divorce sa Amerika.

Wala pang sinasabi ang actor maging ang kanyang manager na si Popoy kung hanggang kelan mananatili sa Amerika si Tom. Sa Amerika naka-base ang pamilya ni Tom at sa kanila niya nahanap ang comfort at suporta na kailangan niya after his unexpected break-up with his (ex) wife.

Whe he feels na buo na siyang muli ay saka siya babalik ng Pilipinas upang ipagpatuloy ang kanyang acting career sa Kapuso network kung saan din kabilang si Carla.

Charo

‘AP’ mukhang hindi pa matatapos

Up to this day ay marami pa rin ang curious kung malapit na bang magtapos sa ere ang top-rating and longest-running action-drama series na “FPJ’s ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin who stands as the creative head and co-director of the series.

Although ayaw naming ma-preempt ang mga viewers, mamatay din ang character ni General Delfin Borja (Lolo Delfin ni Cardo Dalisay) na ginagampanan ng veteran actor na si Jimmy Fabregas.

Sa pagkamatay ng character ni Lito Valmoria (played by Richard Gutierrez) na halos pumatay kay Cardo Dalisay, maililigtas si Cardo ng grupo na pinangungunahan ng mysterious lady na si Ramona (Charo Santos-Concio).

Sa nakikita naming scenario, magiging bagong kakampi ni Cardo si Ramona at ang kanyang grupo hanggang muling magsanga ang landas nila ng ibang bumubuo ng Agila kasama si Pres. Hidaldo at kasintahan nitong si Aurora (Sharon Cuneta). Nariyan pa rin ang mortal na mga kalaban ni Cardo at ng Agila, sina Sec. Hidaldo (Tirso Cruz III), Renato Hipolito (John Arcilla), Lily Hidalgo (Lorna Tolentino) at ang grupo na pinangungunahan ni Armando (John Estrada).

Sa darating na September ay 7th anniversary ng serye. Sa takbo ng mga pangyayari, mukhang malabo pang magtapos ang “Ang Probinsyano” na siya pa ring nangungunang local series hanggang ngayon sa lahat ng digital platform ng ABS-CBN including A2Z at TV5.

Vico

Mayor Vico binigyan ng salu-salo Ng Sotto family

SA kabila ng pagiging abala ni Mayor Vico Sotto who turned 33 last Friday, June 17, nagkaroon ito ng munting salu-salo kasama ang kanyang dad (Vic Sotto, his uncles na sina Sen. Tito Sotto at Val Sotto, stepmom na si Paulen Luna at iba pa.

Kahit 33 anyos na si Pasig Mayor Vico ay wala pa rin itong girlfriend hanggang ngayon dahil ang kanyang priority ay ang paglilingkod sa siyudad ng Pasig na muling madudugtungan ng panibagong tatlong taon for his 2nd term.

Si Mayor Vico ay anak ng veteran actress na si Coney Reyes kay Vic Sotto, isa sa mga poste ng “Eat Bulaga”. Vic is also a veteran singer-songwriter, host at TV and film producer.

Ang first cousin ni Mayor Vico na si Quezon City Vice-Mayor Gian Sotto ay anak naman ni outgoing Senate President Tito Sotto at misis nitong singer-actress na si Helen Gamboa-Sotto.

Ang magpinsang Vico at Gian ang siyang magpapatuloy sa political career na iiwan na ni Sen. Tito Sotto ngayong June 30, 2022.

Donny

Donny kaisa-isang taga-showbiz sa People Asia

ANG singer-actor na si Donny Pangilinan (24) ang kaisa-isang showbiz personality na pumasok sa “People Asia’s Men Who Matter”. Siya rin ang youngest among the group.

Ang binata ng mag-asawang Maricel Laxa at Anthony Pangilinan ay umalagwa ang karera nung isang taon nang mabuo ang kanilang tambalan ng young Kapamilya singer-actress na si Belle Mariano sa hit mini-series na “He’s Into Her” maging sa digitally-released movie na “Love is Color Blind”. Ang tambalan ng dalawa ay itinuturing na phenomenal loveteam na nagsimula nung isang taon.

Very proud kay Donny ang kanyang celebrity parents na sina Maricel at Anthony.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE