Luis

Ate Vi, natupad ang pangarap maging lola

August 12, 2022 Jun Nardo 225 views

Iza1

MAGIGING lola na si Ate Vi (Vilma Santos-Recto) sa panganay niyang si Luis Manzano.

Buntis na ang asawa ni Luis na si Jessy Mendiola at sa kanyang vlog inanunsyo ang pagbubuntis niya.

Samantala, kumpleto na rin ang pagkakababae ni Iza Calzado.

Sa edad na kuwarenta, nakabuo na sila ng bata ng asawa niyang si Ben Wintle.

Sa totoo lang, ang alam naming artista na record holder pagdating sa edad ng pagbubuntis ay si Alice Dixson.

Kung tama kami, age 50 plus na si Alice nang isilang ang anak niyang si Awra, huh!

Sundan na agad ‘yan, Jessy at Iza!

‘DI NAGPATINAG SA ULAN

BUMUHOS man ang ulan sa Cebu last week nang magkaroon ng mall show ang cast ng Kapuso series na Start-Up PH sa Queen City of the South, hindi natinag ang mga Cebuano na nag-abang sa cast ng series.

Present ang lead actors na sina Bea Alonzo at Alden Richards kasama sina Jeric Gonzales, Boy2 Quizon at Royce Cabrera.

Ito ang kauna-unahang mall show ng upcoming TV series.

Lubos ang pasasalamat ni Alden dahil ‘yung unang mall show niya ay sa Cebu rin ginawa at hindi pa rin nagbago ang init ng pagtanggap sa kanya ng mga tao.

Paalala ni Alden sa mga nanood na nabasa ng ulan, maligo agad pag-uwi para hindi magkasakit.

GAME SHOW PARODY

PARODY ng top-rating game show na Family Feud ang isa sa bagong segments ng The Boobay and Tekla Show bukas, Sunday, after Kapuso Mo, Jessica Soho.

Ito ay ang “Good Answer” at gagayahin ni Tekla ang host ng Good Answer USA, si Steve Havey.

Ang magbabakbakang teams ay ang Mema Squad nina Jenni Gabriel, John Vic de Guzman, Ian Red at Pepita Curtis.

Makakabangga nila ang The StarStruck Squad nina Kim de Leon, Shayne Sava, Abdul Rahman at Ella Cristofani.

AUTHOR PROFILE